"Happy 3rd anniversary!"
Nagulat ako sa biglang sigaw, sina Klea they were standing beside don sa blackboard at may lettering don na 'Happy 3rd anniversary!'
"What? Next week pa kami magc-celebrate!" natatawa naming sabi ni Fixel. "Kaka-feb palang huy!"
"We know, duh! May date at busy kami sa araw na yon kaya shh kayo dyan."
"Kala niyo kayo lang?"
Natawa kami, last year na namin as a senior, ibig sabihin, college na kami! Nagp-plan ako na kumuha ng nursing as course ko dahil pangarap ko talaga na maging nurse.
"Ang daya kaya nilang dalawa! Last year birthday ni Aris tapos may pa movie marathon sila ni Fixel!"
"Moment namin yon!"
"Whatever!"
Natawa nalang ako sa kanilang lahat.
"Good morning."
Natahimik kami ng pumasok na ang prof para magturo.
*
Hinatid ako ni Fixel hanggang bahay, ganon naman talaga ang ginagawa niya simula nung maging kami, he always make sure na safe daw ako.
Pagkarating sa bahay, yayain ko sana si Fixel kaso tumanggi siya, dadaanan pa daw niya kasi yung old friend niya nung elementary.
"Okay, mag-iingat ka," hinalikan niya ako.
"I love you,"
"I love you too."
Pagkapasok sa bahay, nakita kong nakaupo ng pormal sina mama sa loob, agad akong umupo dahil pag ganito ang scenario, hinihintay nila ako dahil may gusto silang sabihin.
"Anak," panimula ni papa. "Magc-college ka na next year, may nakuha ka na bang course?"
"Nursing papa, why po?"
"Anak, hindi na kami magpapa-ligoyligoy pa, hindi ka dito mag-aaral."
What?
"H-ha? Bakit po, akala k-ko, napag-usapan na natin to?"
Umiling si mama at umiyak. "I'm sorry anak, nalulugi na ang business natin at kailangan natin yong pagtuonan ng pansin."
"Dahil malayo tayo, unti-unting bumabagsak ang business natin."
"Pero pa! Magpapa-iwan ako! Ayaw ko don, gusto kong kasama si Fixel mag-aral!"
Umiling si papa. "Your grandma's there, she needs you, she's sick anak."
"Dad, pwedeng bakasyon lang! I want to--"
"In-enroll na kita, sana maintindihan mo, please anak, kahit sana ngayon, makinig ka."
Umiling ako kay papa. "No!"
Tumakbo ako pa-akyat ng hagdan, narinig kong tinatawag ako nina mama pero hindi na ako lumingon.
No, ayokong umuwi, hindi totoo to.
Paano ko sasabihin kay Fixel ang totoo? Paano kung magalit siya? Paano kung masaktan ko siya pag sinabi kong aalis ako para sa ibang bansa mag-aaral? Anong gagawin ko? Hindi ko kaya.
"Ayokong masaktan si Fixel,"
"Anak, i'm sorry, alam kong mahirap, pero kailangan mong sabihin sakanya."
"Ma?" umiyak ako. "P-pano pag magalit siya sa akin."
"Babalik naman tayo, hindi tayo don titira, babalik tayo pag summer."
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Fiksi Remaja[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner