"Aristasia.."
Nagtalukbong ako ng kumot.
Ano ba to si mama? Alam ba niyang wala akong pasok? Ginigising pa ako, inaantok pa ako kakanood kagabi!
"Ma, wala kaming pasok, it's saturday diba?" I ask pero walang sumagot kaya pinikit ko ulit ang mga mata ko.
"Aristasia.."
Hayst. Si mama talaga, hindi mo mapaki-usapan, totoo talagang inaantok pa ako.
"Ma, i'm sleepy pa. Mauna na kayong kumain."
"But it's your birthday."
Nagulat ako sa boses, familiar kasi, guni-guni ko lang ba yon or what?
Then naalala ko, birthday ko nga pala! And Fixel said na susunduin niya ako ng maaga dahil may surprise daw siya sa akin!
Napabalikwas ako ng bangon, there! Nakita ko si mama na nagpipigil ng tawa habang katabi niya si Fixel!
"Bakit ka nandito?"
Tumawa siya. "It's your birthday, masama bang maunang pumunta?"
Napangiti ako, doon ko lang na-realize na ang bagong gising pala ako! And my hair is curly so it is messy! Tulo laway pa naman din ako matutulog so alam kong--
"Mama!" nagtalukbong ulit ako ng kumot. "Maliligo po muna ako!"
Napabalikwas ako ng bangon.
"Fixe--"
Wala. Wala siya.
Nakita kong pumasok si mama sa kwarto, nadatnan niya akong umiiyak.
"Ma! B-bakit ang s-sakit.."
Nagulat si mama sa sinabi ko. "A-Anak? Anong, bakit ka u-umiiyak?"
"B-birthday ko n-na ulit!"
Birthday na wala nang Fixel na bumabati, wala nang Fixel na kasama mag-celebrate.
"A-Anak.."
Niyakap lang ako ni mama habang umiiyak.
*
Pagkapasok, nakita ko ang bungad ni Vina sa akin.
"Happy birthday? Saan ang handaan?"
Tinawanan ko siya. "H-hindi ko a-alam."
Si Vina, para siyang si Klea, ang problema hindi maldita, nakakamiss na talaga sila.
Kamusta na kaya sila doon?
"Nope! We will celebrate! It's now and never!"
"Ikaw bahala."
Nagsimula na ang klase.
-
Natapos ang klase na exhausted ang lahat, uuwi na sana ako pero hinila ako ni Vina.
"Hoy diba sabi ko sayo, we will celebrate?"
Natawa ako. "Akala ko nagbibiro ka."
Umirap siya. "Of course not! Basta, tara!"
Dinala niya ako sa isang bar, papainumin pa ata ako ng bruha. Nag-order siya ng vodka.
"Ayan na!"
"Hindi ako umiinom!"
Tumawa siya. "Pwera ngayon!"
"Pampa-tanggal yan ng problema!"
Napilit niya ako, sa kakaisip ko kay Fixel, hindi ko namalayan na marami na pala akong nainom.
"Gurl, may pogi, sayaw muna kami, babush!"
Tumawa ako at tumango. I feel dizzy.
Habang umiinom, napaisip ako, ano kayang ginagawa ngayon ni Fixel? Is he okay? Hindi ba siya nahihirapan sa studies niya?
Kainis. Naiiyak na naman ako, nararamdaman kong unti-unti nang tumutulo yung luha ko.
Si Fixel, pag birthday ko, laging may pa-surprise, laging may-pa special gift, palagi ako napapasaya. Palagi akong nahuhulog.
Ang sakit pala.
Sa sobrang down ng nararamdaman ko, hindi ko napansin na may katabi na pala akong guy.
"Hi! Mind if I join you?"
Nagtaka ako sa sinasabi. "Ah.. I'm sorry."
"Umm no, come on! You want me to take you home?"
"Oh! No thanks, I have a friend with me. I can't, I'm sorry."
Pero hindi ata siya natinag sa sinasabi ko, masyado siyang makulit kaya tumayo ako para tumakas, agad ko iyong pinagsisihan kasi umaalon yung paningin ko.
"I told you, come on!"
"I said no!"
Nainis ako, nakita ko siyang nagulat pero akala ko matatakot siya at aalis, pero nag smirked siya at lumapit pa lalo sa akin.
"Come on, don't play hard to get."
"I said no! Ang kulit mo!" sigaw ko.
"What are you saying?"
Inirapan ko siya at pilit inaalis ang kamay nyang nakahawak sa braso ko, kakagatin ko na sana siya pero may pumigil sakanya.
"Sir, i'm her friend," may kumuhang lalaki sa akin mula sa makulit na lalaking to. "Please respect her, or else I'll call the security."
Nakita kong tumaas ang kamay ng lalaki at tumingin sa akin bago umalis.
"Ahh ang kulit non." mahina kong bulong.
"Wala kang kasama?"
"Meron, salamat pala."
"Pa'no mo nalamang nagtatagalog ako?"
"Sa sigaw mo kanina."
"Aristasia!"
"Vina! P*nyeta ka, muntik na akong isama nung lalaking yon!"
"Sorry na!"
Binatukan ko ang bruha.
Humarap ako sa lalaki, nakita ko siyang natatawa sa kulitan namin.
"I'm Erwin." naglahad siya ng kamay.
Tinanggap ko ang kamay niya. "Aris, salamat nga pala, alis na kami."
Tumango siya at sumaludo sa akin, nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Vina kaya inirapan ko siya.
"Ano yun? Pamalit kay fafa Fixel?"
Umiling ako. "Hindi no! Ihatid mo nalang ako! Kainis ka!"
Hinatid ako ni Vina sa bahay, pagkarating ko, agad akong humiga sa kama ko, nahihilo na kasi talaga ako.
"I miss you Fixel.. So much."
-------
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner