Chapter 4

17 1 0
                                    

We decided to go on a date malapit sa bahay nina Aleyah, hindi siya pinayagan unless kung kasama ang kuya niya, ayaw niya daw kasing isama dahil para daw may kasamang hangin.

"It's fine, para mabantayan ka na rin," sabi ko sakanya, na inirapan niya lang.

Aleyah was grounded last week kasi nakipagkita daw siya kay Gaby, I don't know why pero I heard they have an item.

Nauna akong pumunta sa bahay nila, sa subdividion sila nakatira, ang kinaganda lang, saktong paglabas mo ng subdivision eh may mall na sa harap, dapat lalayo pa kami pero we respect her parent's decision naman.

We're not on our right age pa kaya dapat sumunod kami.

"Kuya, wag ka ng sumama!" pakiusap ni Aleyah pero hindi siya sinagot ng kuya niya.

"Yo gurl don't be sad!" yakap ni kadadating na si Klea sakanya at pagkatapos ay sa akin.

"Why you're so happy today?" tanong sakanya ni Aleyah.

She sweetly smiled. "I'm sorry for hiding this to you, last week I visit Tryce house and.." kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at kinilig. "His parents already know me na!"

"Talandi ah? Di pa nga kayo," singit na sabi ni Luz. "Kala mo talaga pinapansin siya." dagdag pa ni Mira.

Inirapan sila ni Klea. "Tryce can't do anything when his parents ask him to accompany me, so.." nagkibit-balikat siya at tumili.

"Ingay naman," sabi ng kararating na si Kyle kasama ang sina enemy at Karl na nagtatakip ng tainga.

"Oh, tara na?" sabi ni Klea.

"Asan si Gaby?" tanong ni Aleyah, nakita kong masamang tumingin sakanya si Cole pero hindi niya yon pinansin.

"Gaby can't come, he's on a vacation with his parents on Davao, kahapon lang sila umalis."

Malungkot na naglakad si Aleyah.

Wow, Aleyah and Gaby? Hindi ko talaga alam kung sila o hindi.

Speaking of enemy, medyo bumabait naman na siya ng unti sakin, ina-accept ko siya sa facebook nung nakaraan, pagkatapos non chinachat niya ako.

He's annoying! As in super annoying, hindi ko nalang pinansin yung ibang chat niya.

Hindi naman sa crush ko siya pero inistalk ko rin siya nung pagka-accept ko, hindi mo maitatanggi na super photogenic ng loko, he has few friends din and halos puro lalaki.

Wala rin siyang masyadong information about him, ang bio niya nga ay yung edad niya lang.

Wow, pa-cool guy ang peg, nakanaks naman diba.

Lakad lang ang ginawa namin, syempre, malapit lang ang bahay nina Aleyah palabas, kaya nga pumayag parents niya kasi pag may problem, madali lang puntahan.

Pero kita po rin ang inis ni Aleyah. "Come on don't be sad! Kuya mo lang naman yang kasama mo eh!" sabi ni Luz.

Hindi nakinig si Aleyah at nag-salampak nalang ng earphones

Kumain muna kami dahil may mga gutom sa barkada, si Klea ang nanlibre dahil sobrang happy niya daw ngayon.

"Sana pala palagi ka nalang masaya!" natatawang sabi ni Mira. "Tapos chat kalang sa gc pag masaya ka." dagdag ni Kyle.

"Shut up! Pasalamat kayo,"

Masaya kaming kumain, after that nag-laro kami, medyo hiwa-hiwalay na kami dahil hindi lahat gusto sa ganitong game, kita nalang daw sa entrance.

Bumili ako ng sarili ko, tapos don ako sa claw machine, gusto ko kasi yung mga ganitong laro dahil gusto kong mag-uwi ng mga stuff toys.

Pumunta ako don sa medyo maliit na stuff toys, nakita ko na may sabitan siya so pang-lagay pa siya sa bag, parang keychain ganon.

Unang try ko palang talo na, kabanas naman, feeling ko talaga minsan madulas or maluwag yung pangkuha eh.

Nakaka-limang try na ako pero wala pa din, sa pang-anim na try, iba na ang humawak sa controller.

Si Enemy! Inirapan ko siya at hinampas. "Bakit ka ba nandito? Akin na yan, shooo!"

Hindi niya ako pinansin, siya ang naglaro pero pati siya, hindi niya rin nakuha.

"Luh, feelingero! Kina-cool mo yan?" pang-aasar ko dahil frustated na siya na makuha yung bagay na yun tapos di niya manlang makuha.

Naka-sampung laro na siya pero wala pa rin, siguro sa sobrang inis at frustated niya sa laro, pati na rin sa pang-aasar at tawa ko, hinila niya ako don sa mas malaking claw machine na may mga monkey stuff toys, pero mga cute naman.

Naglagay siya ng isang token at nagulat ako kasi nakuha niya agad! Medyo napahiya ako sa tawa ko kanina pero pakialam ko?

"Oh." binigay niya sakin yung stuff toy, tinanggap ko yon pero nainis pa rin. "Bakit ito?"

"Mukha ka kasing unggoy kanina."

Sinapak ko siya. "Dzuh! Cute naman itong nakuha mo ah! Pasalamat ka cutie yung nakuha mo kung hindi binalibag na kita."

Tumingin siya sakin. "Cute nga."

"Ako naman, dahil tinulungan kita, tutulungan mo ako maglaro!"

Inirapan ko siya. "Luh! Ayoko nga!" amfeeling talaga ng lalaking to kahit kailan!

"Edi akin na yan!" kinuha niya ang stuff toy pero iniwas ko. "Oh tapos ayaw mong ibigay?"

"Sige na nga!"

Pasalamat talaga siya natuwa ako sa nakuha niya, kung bwiset pa rin ako dito baka kanina ko pa to iniwan at hiananap sina Aleyah.

Nag-basketball kami, in fairness magaling siyang mag-shoot, sanaol, ako kung san san ko natatama yung bola.

In the end tawa kami ng tawa, nung narealize ko na ako nalang yung tumawa, tumingin ako sakanya at nakitang nakatitig siya sakin.

"Ano? Gandang-ganda ka na naman sa akin," he smirked. "Kamukha talaga eh."

"Aba---"

"Oh? Wala ka namang naitulong, akin na yang nakuha kong stuff toy," sabi niya sa akin habanh pilit na kinukuha ang stuff toy.

"Akin na yan hoooooy!"

"Luh, bakit? Porket di lang kita natulungan na maka-shoot kukunin mo na! Kabanas ka kamo!"

"Sige iba nalang." bigla niya sabi na parang kakadaan lang non sa utak niya.

"Ayoko nga," sabi ko pero nagbalak siyang kukunin yung stuffed toy. "Ano ba yon?"

"Call me by my name."

"Ha?"

"Tawagin mo ako sa pangalan ko, ayokong enemy ang tawag mo sa sakin," seryosong sabi niya.

"B-bakit?"

"Bilis,"

"E-el?"

"No."

Ha? Kala ko ba call me by my namr tapos nung tinawag ko na siya sa pangalan niya ayaw niya, abno lang!

"Eh ano? Arte mo naman."

"Fixel. Gusto ko Fixel ang itawag mo sa akin."

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi na ako naka-pagreact dahil nahila na ako nina Luz at nagpasyang umuwi na.

Kahit pauwi na ako, yun pa rin ang iniisip ko.

Bakit Fixel? Di ba pwedeng El na lang?

Bumibilis yung tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit.

Mas lalong bumilis yon ng mabasa ko ang chat niya.

From:Isaiah

I really enjoy our date, sana may next time. Ingat.

Ha? Date, eh diba may kasama kami?

-------

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now