Chapter 16

6 1 0
                                    

"Aristasia, bumaba ka na, may pasok ka pa."

Matamlay akong bumangon, what if I don't want to? Pagtingin ko sa oras. 6:00 AM na ng umaga.

Hindi ko pinansin buong araw si Fixel kahapon, kahit pag-uwi ko, nauna ako para hindi niya ako maabutan, hindi na rin ako lumabas dahil nakita ko siyang naka-abang sa bintana.

Naligo ako kaagad at nagbihis, nag-ayos ng unti at nag-lagay ng light make-up.

Pagkababa, naka-ready na yung breakfast namin, nakita ko ang pasimpleng tingin ni mama't papa sa akin, I looked at them, iniwas nila ang tingin nila sa akin.

Umupo ako at nagsimulang kumain. Awkward.

Alam ata nila na may away kami, hindi kasi sila nagsasalita, they're just looking at me all the time na mapapadako yung tingin ko sakanila.

"Anak," panimula ni mama. "Nasa baba kahapon si Fixel ah? Bakit di mo sinipot?"

Bumuntong-hininga ako, kahapon, nasa baba si Fixel nag-aantay, ayokong makita niya ako kaya nag-text ako kay mommy na pauwiin nalang si Fixel, after non natulog na lang ako.

"Ginawa ko yung sinabi mo kahapon, pinauuwi ko siya, pero ayaw niya." kumuha siya ng isang tuyo at ibinigay kay papa. "Kumain ka nga."

Hindi ako sumagot, nakinig lang ako, ayokong maging OA pero kasi, naiinis pa rin ako.

"Dito yon kumain ng hapunan, akala niya kasi bababa ka."

Napatingin ako kay mama. "H-ha?"

"Oo, balak pa nga non matulog dito pero tumanggi ako, basta ang sinabi niya. 'Mali daw ang pagkaka-intindi mo.'"

"Aristasia anong nangyari ba sainyo?" tinitigan ako ni mama ng mabuti. "Nagloko ba yan?"

Umiling ako. "Ayusan niyo yang away niyo, hindi dapat dinadaan lagi sa hindi pansinan at di pag-kibo, dapat pinag-uusapan niyo yan."

Natamaan ako. Masyado ba akong OA para mag-react at childish? Oo te, halata naman.

"Opo, mamaya kakausapin ko siya."

Sana nga makausap ko siya, nakakahiya yung ginawa ko, nag-effort na ngang pumunta dito tapos hindi ko manlang pinansin?

Pagkadating sa school, tahimik ako, hindi na kami magkatabi kaya mas lalong nakakahiya na pansinin siya, tiningnan ko ang upuan niya, wala pa siya doon.

Nag-salampak ako ng earphones sa tainga ko at nagbasa na lang para mabawasan yung kaba ko.

Habang nagpapatugtog, nakita kong may tumanggal non.

"Fixe--- Klea?"

"Hindi kayo okay?"

Tumango ako. "Bakit? Pa'no mo nalaman?"

"Obvious gurl, sinabi din sa akin ni Fixel, he wanted to check on you kasi dahil hindi ka nagr-reply sa mga text niya."

Ayokong mag-reply kasi nahihiya ako, nakakainis yung pagiging isip bata ko, dapat pinakinggan ko yung side niya.

"I'm busy," nasabi ko nalang.

"Busy?" natawa siya at sinabunutan ako. "Busy magpasuyo? Tsk. Wag ganyan minsan."

Tumingin ako sakanya. "Anong--"

"Sinabi sa akin ni tita lahat," sabi niya sa akin, si mama talaga! Minsan may pagka-lahing chismosa! "Sometimes, hindi pwedeng lalaki na lang palagi ang manunuyo, hindi rin pwede na babae lang ang lagi at pwedeng toyoin. Unfair yon."

"Sa tingin mo ba may kasalanan ako?"

"Oo," sabi niya habang kumakain ng banana chips, ang bruha ay nagpapayo habang kumakain. "Pareho kayong may mali, ang siya, hindi nag-explain, ang ikaw, hindi mo naman tinanggap yung explanation niya kung kailan sasabihin na niya."

"Matagal kasi siya magsalita eh,"

"Porque? Ano ka ba! Malay mo may secret yung tao, wag ka naman agad magduda."

Napabuntong-hininga ako. "Sorry,"

"Wala akong kinakampihan, pero, ayusin niyo yan, magd-dalawang taon na kayo diba?"

Tumango ako.

Tumingin ulit ako sa upuan niya pero wala pa din siya doon, pa'no ko siya kakausapin kong wala naman siya?

Hanggang sa dumating yung prof, wala pa din siya.

"Bakit parang kulang?"

"Sir, wala pa po si Isaiah!" sigaw ng isang classmate ko sa pangalan ni Fixel.

"Should I mark him as absent?"

Magp-protesta sana ako pero may pumasok na, si Fixel yon. "Sir, sorry i'm late."

Bakit siya late? Di naman siya palaging ganun ha?

Silly. Malamang kasalanan mo, ikaw ang nagtulak tulak sakanya palayo kagabi diba? Kinakabahan na naman ako.

Bago siya makaupo, dadaan muna siya sa row ko, nakita kong tumingin muna siya sa akin, nagka-tinginan kami pero umiwas siya ng tingin at dumiretso sa upuan niya.

Nasundan ko nalang siya ng tingin. Galit ba siya?

Hanggang sa dumaan yung ibang prof, hindi niya pa rin ako pinapansin, kahit nang magre-recess na.

Nauna silang bumaba, nagpahuli ako dahil nahihiya talaga ako.

At kung minamalas ka nga naman, nagka-banggaan pa kami sa hallway.

Pinulot niya yung pagkain niya, tapos tumingin siya sa akin ng seryoso, lalagpasan na sana niya ako kaso hindi na talaga ako makatiis.

"Fixel!"

Pagtingin ko sakanya, nakangiti na ang loko! "Ano?" tanong niya.

"A-ano.." ginalaw-galaw ko ang feather sa wallet ko. "Doon ka daw nag-hapunan s-sa amin."

Tumango siya. "Oh tapos?"

"A-ano.."

"Ano?"

"Aristasia, may gagawin pa kami ni Kyle, ano ba yung sasabihin mo?"

Aalis na sana siya kaya binaba ko na yung pride ko. "I'm sorry!" pabulong kong sabi.

Napatigil siya, akala ko hindi siya haharap pero pagtingin ko sakanya, pinitik niya yung noo ko.

"Kainis," sabi niya. "Dapat magpapasuyo pa ako sayo eh."

"H-ha? S-sorry na nga d-diba"

"Oo na." pinitik niya ulit ang noo ko ng mahina. "Cute mo kasi mag-sorry."

"Bati na tayo?"

Tumango siya. "Hindi kita matitiis no? Mahal kita eh."

Ngumiti ako at niyakap siya, saglit lang yon kasi baka mapatawag kami dahil sa sobrang PDA namin, paakyat na kami ng may maalala ako.

"Sino ba yung kasama mong babae? Ba't ang tagal niyo?" di ko mapigilang mag-tanong.

"Nag-pasama siya sa akin sa faculty room, may hiningi akong favor sakanya."

"Ano yon?"

"You'll know soon."

Hmp. Okay, may tiwala ako sakanya, babawasan ko na pagiging duda ko.

"Nabuksan mo na ba yung gift ko sayo?"

"Hindi pa, galit nga ako sayo diba?"

Pinitik niya ulit ang noo ko. "Kailan mo bubuksan yon?"

"Oo na, mamaya."

Syempre pagpasok namin sa klase, todo kantyaw sina Hazel, alam nga kasi nila na nag-away kami at nagkabati na.

Pagkauwi ko, binuksan ko yung regalo at nakitang kwintas yun, yung kwintas na may half sa heart, may kasama yung book na matagal ko ng gustong bilhin pero limited edition.

May pa-note pa nga siya sa gilid ng libro.

Advance happy birthday love, sana magustuhan mo. I love you.

-------

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now