Chapter 6

12 1 0
                                    

"Fixel! Gumawa ako ng chocolates last night, may natira pa kasi." tinanggal niya ang taka na buhok sa kabilang tenga nya. "Hope you like it!"

Napairap ako sakanila, ang fewling lalaki to! Porke't binigyan lang ng chocolate kala mo ang gwapo na!

"Eh sa gwapo naman diba?" napalakas ata ang sinabi ng isip ko dahil narinig yon ni Hazel. "Selos ka?"

Mas lalo akong nainis, magt-tatlong buwan na kami at magt-tatlong buwan na rin akong bwiset kay Fixel.

Masyadong malandi! Masyadong maharot, biruin niyo, sabi niya wala daw siyang pakialam pero ito, nakikipag-usap pa rin kay Elaine! Tapos nakikipag-landian na rin!

"Hindi ah! Bakit naman ako magseselos? Kaya ko namang humawa ng ganyan, elem pa lang ako marunong na ako nyan," pagmamayabang ko at sinadya kong lakasan para marinig ng kumag.

Narinig nga, dahil lumipat siya sakin at nang-asar. "Ows? Gawan mo nga ako," inirapan ko siya. "Asa ka pa! Ang feeling mo, kainis ka! Dyan ka na nga!"

Umalis ako at nag-cr, nakita kong sumunod si Klea sa akin kaya inantay ko siya at sabay kaming pumunta.

"Selos ka?"

"Nope,"

"Sus, feeling ko tumutubo na ah," tawa niya.

"Ang alin?"

"Feelings mo," sinapak ko siya sa sinabi niya kaya tawa siya ng tawa.

Feelings?? Mas mataas ang standards ko at hindi makakahigit si Fixel non, akala niya siguro porke't gwapo siya magugustuhan ko siya? Never no!

"Sige te, taasan mo pa pride mo," pangungulit niya na may halong sarcastic. "Sobrang lalim takaga ng babagsakan mo promise."

Inirapan ko nalang siya at pumasok sa loob ng cubicle, no.. Hindi ako mai-in love sakanya, hindi pwede.

At bakit? Sabi ng isip ko.

Nag-cr lang ako at nag-retouch sandali, pagkabalik ko sa room, may dalawang balot na ng chocolate doon.

May nakalagay pang sticky note sa lamesa ko. "I'm sorry, don't worry di ko kinain :))"

Umirap ako. Nabasa ko pa ang pahabol niyang message. "Tumikim lang!"

Natawa nalang ako, kainis, bakit ba ako nagkakaganito? Di naman ako ganito sakanya dati ah?

Kinuha ko ang binigay niyang chocolate sa akin at tinikman yon, in fairness, masarap siya, pero hindi ko dapat purihin ang gumawa.

Omg Aristasia, nagiging bad ka na! Hindi pwede yan! Nako nako.

"Uhm.. Aris," lumapit sa akin si Elaine, tiningnan ko siya at ang maganda nyang mukha.

I must admit, may mukha nga talaga anghel si Elaine pero masama ang ugali niya? Akala ba nuya di ko narinig na binackstab niya ako sa cr last time at sinabihan nh plastic at mang-aagaw? Sino namang aagawin ko sakanya, si Fixel?

"Bakit?"

"Pwede bang lumayo-layo ka kay Fixel?"

"At bakit?"

"Kasi we we're having a good time na eh, imbes na we're talking pa kanina umalis ka kaya nakonsensya siya."

Umirap ako sakanya. "Ang feeling mo! Kala mo ang ganda, di hamak na mas maganda ako sayo!"

Sinampal niya ako. Aba! Buti nalang talaga kami lang ang tao sa classroom, dapat didiretso na kami ni Klea sa canteen pero pinauna ko pa siya kasi nakalimutan ko yung wallet ko.

"Hoy bakit ka nanampal!?" masungit na tanong ko at tinadyakan siya!

Kabanas! Parang akala mo sila na, tapos mag-aact na kala mo inaagaw ko si Fixel sakanya! Kabanas!

"Ano ha?" tanong niya.

"Ang kapal mo! Grade 8 palang tayo pero kung makaasta ka kay Fixel kala mo kayo na! Ang bata pa natin hoy! Hanggang sampal ka lang naman eh!"

Sinabunutan niya ako, pero nagi niya mahila ang buhok ko, hinawakan ko ang pulso niya at tinulak siya ng malakas.

"Ano ba!"

May sumigaw sa likod namin, nakita ko si Klea at Fixel, inawat ako ni Fixel at si Klea naman ay hinawakan si Elaine.

"Kasalanan niya ang lahat!"

Natawa ako. "Anong ako! Ikaw nga yung nauna dyan eh! Kukunin ko dapat yung wallet ko pero kung ano-anong pinagsasabi mo!"

Umiyak siya, nakita kong tinitingnan siyang maigi ni Klea, sinusuri kung totoo ba yung sinasabi niya.

"You're lying."

Napatigil siya. "Bakit pula yung kamay mo? Tapos yung mukha ni Aris mapula?"

Namula siya. "WOW! KASI KAIBIGAN MO SIYA KAYA KINAKAMPIHAN MO!?"

"Eh bakit!-" sigaw ni Klea pero pinigilan siya ni Fixel.

"Shut up! Manahimik nga muna kayo!"

Natahimik kaming lahat dahil sa galit ni Fixel. Ako naman mas lalong nagalit sa inakto niya.

"Ano!? Mas kakampihan mo siya? Edi magsama kayong dalawa!" sigaw ko at hinila si Klea palabas ng classroom, narinig kong tinatawag ako ni Fixel pero hindi ako lumingon.

Ano yon, kapal niya! Magsama silang dalawa! Ang kapal ng mukha niya, binigyan lang siya ng chocolate sa iba na pumunta!

At anong pake ko!?

Bumili kami ng tubig ni Klea at ianlo siya. "Salamat pala kanina ha,"

"Sabi ko na nga ba may tinatagong kulo yung babaeng yon eh!"

"Sus, gusto na ata siya ni Fixel!" masungit na sabi ko. Umiling siya.

"No. May ibang gusto si Fixel."

"Sino?"

"Basta."

Mas lalo akong nainis! Edi wag, galit ako sakanya ngayon.

Pagpasok namin sa classroom, nakayuko lang si Elaine, pero hindi siya umiiyak, tumingin siya sa akin ng masama kaya inirapan ko siya.

Pagka-lapit ko sa upuan, andon si Fixel, nakatingin sa akin, inirapan ko rin siya.

"Aris.."

Hindi ko siya pinansin.

"Aris.."

Dinedma ko siya, tawag pa rin siya ng tawag kaya binatukan ko na.

"Naiingayan na ako sayo ah! Pwede ba tumahimik ka naman kahit minsan!?" bulyaw ko sakanya.

"Sorry na nga diba? Kanina pa kita tinatawag para makahingi ako ng sorry pero ayaw mo," sabi niya sa akin na parang kasalanan ko pa dahil di ko tinanggap ang pags-sorry nya.

"Wow, ako pa talaga!"

"Oo ikaw talaga!"

"Akala ko ba gusto mo siya? Bakit di siya suyuin mo! Kapal mo, yung girlfriend mo sinasaktan lang ako!"

"Hindi kami!" sigaw niya.

"Pake ko!?"

Tumawa siya. "Bakit Aris, bakit parang galit ka? Bakit ha?"

Tiningnan ko siya masama. "Anong bakit-bakit? Kung ano anong naiisip mo kaya bagay talag akayong dalawa! Pareho kayong peste sa buhay ko!"

"Ows? Ideny mo pa."

Tiningnan niya ako bg seryoso. "Nagseselos ka diba? Ano? May gusto ka na sakin?" ngiti niya.

-------

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now