"Uhm.. Kuya, asan po yung floor ng first year highchool?"
Tumingin ako sa nagsalita, babae, matangkad at maganda, magkasama kami ni Fixel pero bakit siya ang tinatanong?
Nasa canteen kami para bumili ng snacks, kaunti lang kasi ang kinain ko kanina dahil male-late na ako.
"Sa 4th floor po,"
Tumingin siya ng Fixel, 'Po'? Bakit nung una kaming magkakilala hindi naman nagp-po si Fixel? Ano porke't maganda yung babae?
"A-ah, salamat po,"
"Welcome,"
Umirap ako sa kawalan, halatang alam naman ng babae kung saan yung room niya eh, imposibleng hindi yon itinuro ng guard, strategy lang talaga niya yon.
"Bakit ka umiirap?" inosenteng tanong pa ng kumag na to. Manhid!
"Naalala ko, nung first day, nambully ka kaagad sa akin," hinawakan ko ang baba ko habang pilit na inaalala yung nangyari nung grade 7 kami. "Ginawa mo yun kasi pangit ako, kaya binubully mo na lang ano?"
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"
"Sus! Pag pangit kailangan bully, tapos pag maganda ang galang, ang bata pa non!"
Tumawa ang kumag! "Nagiging gentleman lang ako. Hanggang doon lang yon, hindi ko naman siya liligawan."
Sinapak ko siya. "Sinong nagsabing liligawan mo siya? Gusto mo na ba siya?"
"Silly,"
Umirap ako, nakakainis! Masyado akong OA, wala naman talaga siyang ginagawang masama. Alam kong tinutulungan nya lang yung babae.
Tumalikod ako, pakiramdam ko, ang babaw-babaw ko, parang feeling ko patay na patay ako sakanya kahit di ko aminin.
Nanggigilid yung luha ko. Paano pag i-seudce siya tapos magpalandi? Makukuha kaya siya ng iba? Pag makakita siya ng maganda, lilipat na siya sa iba?
Hindi ko maiwasang maisip yon, grade 10 palang kami, madami pang mangyayari, madami pang dadaan.
Hindi ko alam pero natatakot ako na mawala siya sa akin. Ang OA ko sa totoo lang!
Tumalikod nalang ako para hindi niya makita ang panggi-gilid ng luha ko. Ayokong makita niya, ayoko maging OA.
"Wag kang umiyak,"
Nakita niya ba? Ang hirap pag di ka maganda, natatakot ka na makakita siya ng mas higit sayo at baka ipagpalit ka niya.
"Alam ko ang nasa isip mo," niyakap niya ako galing sa likod, walang masyadong tao sa corridor dahil may klase ang iba. "Hindi kita ipagpapalit, kahit mas maganda pa sila sayo,"
Hinarap ko siya, tapos hinampas ko, edi inamin niya rin! Napa-honest niya talaga!
"Kahit naman makakita ako ng iba, hindi kita ipagpapalit." seryosong sabi niya at pinitik ng mahina ang noo ko. "Nagpapapansin kasi ako sayp noon dahil na-guilty ako sa ginawa ko, okay?"
"Talaga?"
Tumango siya at inakbayan ako, napangiti akp ng lihim, ang swerte ko sakanya. Sobra.
Masyadong mabait si Fixel sa akin, akala ko wala pang mas sasama sakanya sa nga ginawa niyang pambubully sa akin, hindi ko ineexpect na sakanya ko rin pala makikita yung mga nababasa at napapanood ko lang.
Pagkapasok sa classroom, nagsalampak siya ng earphones at inilagay ang isa sa kabilang tenga ko, nags-soundtrip kami dahil wala kaming teacher at ipinatawag sa meeting.
Habang nagpapatugtog, napansin kong tulala si Hazel, tinanggal ko muna ang earphones at nag-senyas kay Fixel na kakausapin lang si Hazel.
"Problema mo?"
Nawala ang pagkatulala niya. "Hindi makakarating si Ylone sa prom bukas,"
Nagtaka ako. "Bakit naman?"
"Uuwi sila, nagka-problema sa negosyo nila, pumayag ako pero.. Umasa pa din ako na siya magiging first dance ko."
Hinagod ko ang likod niya. "Ayos lang yan, ipapasayaw nalang kita kay Fixel." alok ko.
"Ayoko nga!"
Tumawa ako sa sinabi niya, nawala ang ingay ng mga kaklase namin ng may pumasok na teacher.
"Ready na kayo sa prom niyo bukas?"
Masayang tumango at nag-sigawan ang mga kaklase ko, ang iingay!
Last year hindi ako nakisali, dahil nagkasakit ako, dapat si Fixel ang kasayaw ko kaya siya nalang ang pinapunta ko, pero nag-presinta siya sa mga magulang ko na siya nalang mag-aalaga sa akin.
"Aasahan ko ang pagdating niyo, good luck my babies!"
Ngumiti kami at tumango, mabuti nalang talaga at partner kami ni Fixel, oh well, nalaman kong nagpumilit si Fixel na ako ang gagawin nyang partner dahil makakapatay siya pag may humawak daw sakin. Napangiti nalang ako sa kabaliwan niya.
"Anong susuotin mo sa prom?" tanong sa akin ni Hazel.
"Bahala na, ikaw?" nagkibit-balikat siya, halatang malungkot pa rin.
"Bahala na rin,"
"Aris," tawag sa akin ni Fixel.
"Hmm?"
"Date tayo bukas? Weekend naman eh, sabay nalang tayo maghanap ng susuotin."
Tumango ako at ngumiti. "Gusto ko yon!"
Ngumiti siya at pinitik ako sa noo, pero mahina lang naman, ganyan lagi ang ginagawa niya sa akin, nung tinanong ko siya bakit lagi niyang ginagawa, pinapakilig ko daw kasi siya.
"Na-eexcite ako." malamig ang pagkakasabi niya pero halata sa mga mata niya na masaya siya.
Kilala mo na talaga siya Aris no? Oh, na-eexcite din ako.
-------
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner