April na, last day na namin sa school, ganon kabilis ang araw.
Close na kaming lahat? Malamang, 1 taon na rin ang nakalipas, may nangyaring away, iyakan, suntukan, pero syempre puro tawanan naman the whole year.
At kami ng enemy ko? Ayon, enemy pa rin, hindi naman ako nagrereklamo dahil ayoko din naman siyang maging kaibigan.
Ang ingay ng klase, hindi katulad nung una na ang tahimik, ano pa bang ine-expect ko? Eh halos lahat maingay na.
Pero malalaman mo pa rin talaga kung sino yung maingay at tahimik, yung ayaw ng gulo at gustong makisalamuha.
Si Aleyah ayon, dumami ang kaibigan, ganon din ako, pero hindi naman to the point na mag-bff na, maliban kay Hazel, yes, mag-bestfriends na kami, siya lang yung itinuring kong best friend dahil feeling ko plastic yung iba kahit di naman.
Di naman sa porket maganda eh kakaibiganin ko na, medyo mapili lang talaga ako sa kaibigan, at isa pa, nagsasabihan na kami ni Hazel sa secrets naming dalawa.
Si Hazel yung magandang ngumiti sa akin, mabait si Hazel, sobra, kaya nga di na ako nagtataka kung nililigawan siya ni Ylone sa kabilang section.
Yung group namin naging magt-tropa, yes, gumawa pa kami ng groupchat dahil sobrang close na kami.
Sina Karl, Gaby, at Kyle, hindi ko inaakalang mga playboys pala, eh halata naman, halos andaming na-ghost na taga-kabilang section.
Si Klea, ayon gusto pa din si Tryce, halatang bwiset sakanya si Tryce dahil sa ginagawa niya, pano ba naman, pag may activity, tatabihan, pag recess, bibigyan ng pagkain, nilalagyan ng love letter at gifts ang locker ni Tryce, kaya ma-bibwiset talaga.
Si Klea din yung sinasabing, kasama sa mean girls kahit 1st year highschool palang, hindi dahil sa nambubully siya, palagi niya kasing inaaway yung mga admirer ni Tryce.
Kung tatanungin sino yung mga walang masyadong kaibigan, si Cole yon, kaslaungat ng ugali ni Aleyah si Cole, kung si Aleyah palakaibigan, si Cole masyadong masungit, to the point na halos walang nagtatanong sakanya dahil titingnan niya bg masama.
Ganun din si Tryce, walang kaibigan, kaya nga gumawa pa ang mag loko-lokong sina Gaby ng pangalan, cool guys daw, isama na daw si El.
Si El cool? Eh galos buong year, walang ginawa kundi bwisitin ako at pahirapn sa school.
Flashback
-Buwan ng wika-
Magpe-perform kami ng traditional na sayaw, sa bawat group, apat ang kukunin, sa aming group, ako, Aleyah, Gaby at Luz ang kinuha.
Cariñosa ang sasayawin namin, 16 kaming lahat, kada row ay apat ang kukuhain, may partner kami.
"Hoy, uanng magp-perform ang first grade, maghanda na tayo," panunang sabi ni Cynthia, ang president namin.
"Ah Cynthia, pwedeng balik muna ako ng classroom? Naiwan ko yung hairclip ko eh, itatali ko pa yung buhok ko."
"Ahh sige, basta ba bilisan mo nalang."
Tumakbo ako pabalik sa room namin, hassle pa nga dahil 4th floor ang room namin, pagpasok ko ang lamig ng aircon.
"Wow, ganda ah." sabi ni Kyle na tinawanan ko nalang, naka-light make-up kasi ang mukha kp ngayon.
Hinaluglog ko ang bag ko para hanapin ang hairclip ko pero di ko makita, tiningnan ko ang bawat sulok ng bag ko pero wala don ang hairclip ko.
"Kisses, may hairclip ka?" tanong ko sa isang classmate ko. "Wala eh, naiwan ko sa bahay, sorry."
Pumikit ako sa sobrang frustation, dahil mahaba naman ang buhok ko, tinali ko ito ng walang tali, sinigurado ko nalang na mahigpit para hindi kumalas.
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner