"Bakit parang ang lamig naman ata ni Aristasia ngayon?"
Tumingin ako kay Karl. Kahit siya din pala ay naka-pansin, nakita kong kumunot ang noo ni Kyle.
"Paanong lamig? Hindi naman siya aircon ah? B*bo nito ni Karl."
Binatukan ko si Kyle. Napa-'Aww' siya.
"T*nga! Ikaw yung obob, ang corny mo sa totoo lang."
Natawa si Kyle sa amin. "Paano niyo ba nasabi? Hindi naman ah? Ganoon pa rin naman si Aristasia. Masungit pa rin as always."
Hinilot ko ang sentido ko. "Wag na nating pag-usapan Karl, may naligaw kasi eh, mahirap pa naman makipag-usap sa mga naliligaw."
Tumango si Karl. "Siguro nga, bye, puntahan ko lang girlfriend ko."
Umirap ako sakanilang dalawa, kahit pala si Karl isa ring naligaw sa barkada, mga babaero! Pagkatapos niyang malibre yon hihiwalayan niya na din.
Pumunta ako kay Aristasia, naka-earphone siya, napansin kong hindi siya pinupuntahan ni Fixel at nakatingin lang sakanya kaya tinanggal ko ang earphone niya.
"Ano?" tanong niya.
"Samahan mo ako sa canteen."
*
Naglalakad kami papuntang canteen kaya naisipan kong kausapin si Aristasia.
"Aris," panimula ko. "Kung may problema man kayo ni Fixel, ayusin niyo, nakaka-awa naman yung tao, hinahabol ka."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko, tumingin lang siya sa ibang direksyon. Halatang iniiwasan ang sasabihin ko.
Habang bumibili ng pagkain, nakita ko ang pag-lapit ni Fixel kay Aristasia.
"Yung sandwich na gusto mo andito na," nakita ko ang hilaw na ngiti ni Fixel. "Favorite mo ito diba?"
"Fixel please, madami akong problema ngayon. Wag ka namg dumagdag?"
Nagtaka ako sa sinabi niya. Problema? Kailan pa nagka-problema si Aristasia na hindi sinasabi kay Fixel? Kung tutuusin si Fixel ang unang nakakalam sa lahat ng problema niya.
"Ha? Ano ba yon? Hindi ako--"
"Fixel ano ba? Bakit ang kulit mo?"
Nakita kong natahimik si Fixel. Binigyan na ako ni ate ng sukli, pagsasabihan ko sana si Aristasia kaso nakita kong nag-walk out siya.
Tumingin sa akin si Fixel, nakita ko ang hilaw niyang ngiti.
"Fixel, gusto mo kausapin ko siya?"
Ngumiti siya sa akin. "B-Baka may problema siya, i-ikkwento niya yon in time, wag mo munang d-dagdagan." his voice trembled.
Tiningnan ko ang papaalis na si Fixel, nakita ko si Karl kaya tinawa ko siya. "Karl!"
"Ano?" sabi niya habang sinusubuan siya ng so called girlfriend niya.
"Sundan mo iyon!"
Nakuha niya ang ibig kong sabihin at tumango, agad siyang sumunod kay Fixel at inakbayan ito.
Anong nangyayari kay Aristasia? Bakit parang nagbabago siya?
"You mean, may problema siya?"
Umirap ako kay Aleyah. "Malamang! Ano bang date ngayon?"
"February 13."
Anniversary nila, napag-usapan namin na surpresahin si Aristasia sa bahay nila, bale, kasama kami sa magc-celebrate, para malaman na rin namin kung ano ang problema ni Aris.
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner