Chapter 9

15 1 0
                                    

-3rd year highschool-

"Good morning,"

Napangiti ako sa narinig ko, si Fixel, hanggang ngayon, nanliligaw pa rin siya sa akin.

"Morning,"

Nakita ko ang pasimpleng ngiti nina Hazel at Klea sa akin, ganon pa rin ang seating arrangement, nalaman na rin pala ng barkada na nililigawan ako ni Fixel, hindi na sila nagulat dahil masyado na daw halata.

Nagulat ako at first, so ako lang pala ang manhid dito? Natawa na lang ako sakanila na medyo nainis, hindi man lang kasi sila nagsabi sa akin.

Umupo sa tabi ko si Fixel at parang may hinahalungkat sa bag.

"Chocolates, diba favorite mo yan?"

Napangiti ako at tumango, kung may pagbabago man sa amin ni Fixel, yun yung pagiging mabait niya, hindi na siya masyadong nang-aasar sa akin, nanibago ako nung una kaya nung tinanong ko siya, natatakot lang daw siya na hindi ko siya sagutin.

"Salamat dito,"

Kahit papaano, hindi ko naman siya pinapahirapan na yung tipong iniirapan, hindi naman ako kagandahan para mag-feeling na mang-irap pag may nanliligaw.

"Nagpalipat daw si Elaine ng school?" Narinig ko nag tsismisan ng mga kaklase ko tungkol sa dati naming kaklase.

"Ay oo! Nahiya na ata na mag-aral dito, ayun, lumipat sa ibang school."

Totoo yon, lumipat si Elaine, last year kasi, masyadong mainit yung away nila ni Klea, nag-aaway sila palagi, pag tumitingin ako sakanya, iniirapan niya ako kaya iniirapan ko siya pabalik.

Kaya lang medyo na-guilty ako nung nalaman na lilipat siya ng school, hindi kaya dahil sa akin? O kay Fixel?

"What's on your mind?" tanong sa akin ni Fixel.

"Ha?" inayos ko ang magulo kong buhok. "Nagka-usap na ba kayo ni Elaine?"

Kumunot ang noo niya. "Wala na akong balita sakanya, she blocked me sa facebook tsaka sa instagram,"

Umirap ako. "Pano mo naman nalaman? Iniistalk mo siya no?"

"No! One time kasi nag-confess siya sakin na lilipat daw siya, kung gusto ko daw siya pigilan magkita kami, she gave me the address, late ko na yun nabasa dahil ka-chat kita, tapos pagka-kita ko, you can't reply to this conversation na." mahabang paliwanag na.

Nawala ang inis ko sa pagbanggit niya na 'ka-chat kita' pero hindi ko pinahalata.

"Talaga lang ha,"

"Yes! Hindi ko naman siya iniistalk o chinachat," paliwanag niya. "You can check my activity log too! Ikaw lang ang babaeng pinupusuan ko pag nagpapalit ka ng profile picture mo!" dagdag niya pa.

Napatingin ako sa kanya ng nagtataka. "What? Anong pake ko kung pumuso ka sa profile ng ibang babae? Hindi pa naman tayo at hindi pa kita sinasagot."

"Pa," kinikilig na sinabi niya.

Nainis ako, so all the time yun lang yung gusto niyang marinig? Wow, nagsalita at nagsayang lang ako ng laway para sa wala.

"Kaya naman pala! Ang gago mo Fixel! Ikaw lang ang nag-iisang nagl-like sa profile ko!" madramang sabi ni Klea.

"Oo nga, hindi mo na ba kami mahal!" dagdag ni Hazel at nag-yakapan silang dalawa.

"Hindi!"

"Omg busted tayo ni fuge," nagkunwari silang umiyak dalawa ni Klea.

Umirap ako sakanila, wala akong pakialam kung mag-heart siya sa profile ng ibang babae.

"Nakita ko kasi, ayaw ng mga ibang babae sa ganon, baka hindi mo ako sagutin dahil doon."

Umirap ako. "Whatever!"

Dumating ang teacher namin, itong si Fixel, hindi ko alam kung sadyang tanga lang to o manhid, matagal na siya pinapalipat ng teacher namin sa ibang upuan pero ayaw niyang lumipat.

Hindi naman siya mapilit ng teacher dahil nagsasawa na rin pag sinasaway siya, napapagod na siguro kaya hinahayaan nalanh ang kumag. May katigasan din kasi ang ulo nito.

As usual, pakilala ulit, madami na namang nada-dagdag, actually nung magkaaway pa kami ni Fixel, gustong-gusto ko na talaga lumipat ng school pero ayaw pumayag ni mommy, sayang daw.

Buti nalang.

Alam ni mommy na nililigawan ako ni  Fixel, pumunta kasi ang ang kumag sa bahay nung summer para pormal na mag-paalam, nagalit si mommy at daddy pero pumayag din dahil sa mga ginagawa ni Fixel, pan-dagdag pogi points daw yon.

Pumayag si mommy na ligawan ako pero sagutin ko daw sa tamang panahon, o dun sa panahon na hindi siya hadlang at kaya kong ipagsabay ang studies ko at siya, hindi masyadonh payag si daddy pero mapilit ang kumag, parang walanh kinakatakutan kaya um-oo nalang, pero binalaan pa rin kami.

Pag magd-date kami, magpaalam daw muna sakanila, wag daw magpapagabi o magpapalipas ng gabi, I understand them naman kasi para lang yon sa safety at kinabukasan ko.

Ito ang kinaiinisan ko, never niya akong niyaya ng date! Nahihiya naman akong magtanong sakaniya dahil baka isipin niya na masyadong akong deads sakanya kaya ako na ang nagya-yaya.

"Omg!" ingay ng mga kaklase ko pagka-alis nh teacher, napatingin ako sakanila.

"Anong meron?"

"Nililigawan na pala ni Gaby si Aleyah!" tili nila. "Yieee!"

Matagal na naming alam yon, nagalit nga si Cole kay Gaby kaya hindi sila nagpapansinan, si Aleyah naman, alam kong masaya siya.

"Nag-date pala to sila ng summer!"

Kami ang nagplano non, nagpatulong sa amin si Gaby kaya syempre dahil supportive kami, tinulungan namin, binalaan din namin na kapag sinaktan niya si Aleyah, ipapabugbog namin siya sa boys.

Buti pa si Gaby may pa-plano pa ng surprise date! Itong manliligaw ko kaya kailan?

Teka ba't parang ang demanding ko na! Ano nasa tamang edad na kami? Ang feeling mo masyado Aristasia!

"Sanaol,"

"Anong sanaol?" biglang tanong ni Fixel.

"Wala!" manhid! Walang alam! Masyado kang first time! "Ang ingay at ang kulit mo."

"Ano ba yon?"

"Sanaol daw nag-dedate!" tumingin ako ng masama kay Hazel pero nginitian niya lang ako, may tumawag sakanya sa labas at alam kong si Ylone yon.

"H-ha?" namula si Fixel.

"Ano?" masungit na tanong ko.

"Nahihiya kasi ako na baka hindi mo magustuhan yung gagawin ko, nag-iisip p-pa kasi a-ako ng gagawin oara maging memorable f-first date n-natin."

Umirap ako. "Ang sabihin mo! Pinagt-tripan mo lang ako!"

Ngmuti siya. "Just give me time, gusto kong bigyan ka ng memorable na date."

-------

Aleyah and Gaby? Hazel and Ylone? May story sila,  is-sulat ko pag natapos to.

Salamat!



Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now