*Kringgg!
Napabalikwas ako ng bangon sa malakas na tunog na bumalot sa kwarto, pag tingin ko, alarm clock lang pala.
Hindi mo naman kasalanan diba Aris? May lakad ka kasi ngayon kaya gusto mong mag-maaga.
Sinadya ko talagang gumising ng maaga dahil may lakad kami ni Fixel, sabado ngayon at wala pasok malamang, niyayaya niya ako na gumala daw.
"Masyado naman ata akong maaga," bulong ko ng makitang 8:00 AM palang ng umaga.
"Sa sabado, pwede ba tayong umalis?"
Napangiti na naman ako ng wala sa oras, inaamin ko naman, nahuhulog na nga ang loob ko ng tuluyan kay Fixel pero I know my limits naman, kailangan ko pa siyang subukan if worth it siya sa 'oo' ko o hindi.
Naligo kaagad ako, sinadya kong hindi muna mag-check ng cellphone, titingnan ko kung sino ang mas maaga sa amin.
Nagsuot ako ng dress, pinaresan ko yon ng sneakers, syempre kailangan ko talagang maghanda, dapat appreciate nya yon no.
Nag-ayos ako ng buhok at naglagay ng light make-up.
First time ko to, at sana, sana maging memorable nga, medyo kabado ako pero go with the flow nalang.
"Oh anak, alis ka na?"
Tumango ako kay mama, nagluluto siya ng breakfast, 9:00 na non, matagal talaga ako nag-ayos, kainis, tapos baha hindi lang mapansin ni Fixel.
"Ingat, wag gagabihin!" babala niya sa akin. "Malalagot ka sa papa mo,"
Tumawa ako at tumango.
Pagkalabas, nakita kong nasa harap na ng bahay namin si Fixel. "Aga mo ah? Naks naman," biro ko.
"Palagi naman,"
Sumakay kami ng jeep, kung saan kami gumala nung summer kasama sina Aleyah, doon ulit kami pupunta, ang kaibihan lang siguro ngayon, kami lang dalawa.
Pagkapasok namin, maamoy mo talaga yung amoy ng aircon, ganito ang gusto ko pag gumagala, medyo bored kasi ako sa bahay pag weekends kaya minsan nanga-ngapitbahay ako.
"I'm hungry," sabi ko.
"Saan tayo?"
"Mcdo!" maligayang sabi ko.
Lately kasi, hindi na ako nakakagala dahil sa dami ng requirements, ganon din si Fixel kaya nung mga nakaraang araw hindi niya ako nilalandi.
"Alright."
Pumunta kami ng Mcdo, malapit lang naman yon, buti sa ground floor siya, pagpasok namin medyo madami-dami na yung tao, pumwesto kami sa pinaka-dulo.
"Anong order mo?" tanong niya sa akin.
"Mcflurry nalang tsaka fries,"
Umiling siya. "Ako na nga lang,"
Ano? Tatanong-tanong siya tapos siya din naman pala ang magbibigay ng order! Ang lalaking yon talaga!
Naglabas nalang ako ng cellphone habang nag-iintay, marami-rami kasi ang nakapila kaya nag-ig muna ako.
"Hi!"
Lumingon ako sa nagsalita, matangkad na guy, gwapo din kaso parang ang bata sa akin.
"Uhm.. Hello?"
"You're Aristasia right? I mean, hi ate! We're schoolmates!"
Ngumiti ako. "Oh, hi!" hindi ko siya nakilala, sa bagay, medyo malawak ang school, alangan naman kilalanin ko pa lahat diba? "Ano bang kailangan mo?"
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner