"Aristasia!"
Bumangon ako at pinakinggan kung sino nag tumatawag, sinong tatawag ng ganito kaaga?
"Aristasia!"
Familiar ang boses kaya binuksan ko, nadatnan ko ang nakangiting si Hazel sa harap ko, she is holding a cake on her right side at isang maliit na gift.
"Happy birthday!"
Nagulat ako doon, akala ko nakalimutan na nila. Hindi pa rin pala.
"Thank you!"
Pinababa ko muna siya dahil maliligo ako at mag-aayos, niyaya ako ng bruha na gumala dahil sobrang miss niya daw ako.
Nainis pa nga ako kasi ang aga-aga, yun pala hapon na. 3:00 PM na ng hapon! Akala ko pa naman kaka-umaga lang, hindi man lang kasi ako ginising ni mama.
Habang nag-aayos, naisip ko, si Fixel kaya naaalala ang birthday ko? Naalala niya kaya kung paano kami mag-celebrate at kung paano niya ako sinu-surpresa?
Don't go there, Aristasia. Masasaktan ka na naman.
Pagkatapos kong malaman na may iba na si Fixel, gumuho ang mundo ko, akala ko, akala ko hihintayin niya ako.
Kasalanan ko din naman, wala akong karapatang magalit sakanya dahil wala na kami noong umalis ako, hindi na ako nag-paramadam.
Parang.. Parang iiyak na naman ako.
No. Wag, sana hindi nalang kami magkita kahit kailan para hindi na ako ulit masaktan.
Pagkababa ko, ang bruha ay agad akong hinila, pumunta kami ng mall, kung saan kami palagi nung panahon na bawal pa kami sa malayo.
Yung mga panahon na nililigawan pa ako ni Fixel, mga panahon na dito kami nagd-date dahil minor pa kami.
Andaming nagbago, dumami ang iba't-ibang kainan at branches dito, lumawak din lalo ang mall. Halatang pina-renovate.
"Ka-miss ito no?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Sobra."
It-treat ako ni Hazel, syempre doon ako sa sobrang namiss ko, gusto ko sa Mcdo, meron naman doon sa US pero si Vina lang ang kasama ko, syempre miss ko rin makasama si Hazel.
Habang kumakain, nagk-kwentuhan kami ni Hazel ng mga bagay na nangyari nung wala ako, nakakainis kasi yung mga happy memories nila at mga panahong down sila eh wala ako.
"Okay ka lang ba?" tanong ko ng maisama namin sa kwento ang lovelife niya.
Ngumiti siya. "Hindi ko pa alam," nakita kong umiwas siya ng tingin. "Natatakot ako na masaktan ko siya, a-ayoko na k-kasi."
Ngumiti ako. "Follow your heart."
Kung ano man ang problema ni Hazel, alam kong makakaya nya, pagdating sa mga problema, si Hazel ang laging tagapag-advice sa amin, alam kong kaya niya rin.
Habang nagtatawanan, may nahagip akong lalaking nakatalikod at isang babaeng tumatawa, they look familiar.
Nakita iyon ni Hazel kaya lumingon siya, pero nagulat ako ng may binanggit siyang pangalan na sana hindi ko na lang pinakita.
"Fixel!"
Nakita kong lumingon si Fixel sa amin, nakita ko ang gulat sa mukha niya, dumako iyon sa katabi ni Hazel.. Sa akin, nakita kong nanlaki ang mata niya?
"Aristasia?"
Ouch. "Uhm.. Hi."
Mas lalong gumwapo si Fixel, nag-mature yung look niya pati na rin yung katawan niya, tumangkad din siya ng unti at pumuti ang kutis.
Handsome as ever.
Ngumiti siya sa akin, pumunta siya sa harap namin kasama ang isang magandang babae.
"Aristasia, si Eyana," they interwined their hands. "Girlfriend ko."
Sapul.
Hindi ko alam na may mas sasakit pa pala ang tama ng bala sayo, yon pala.
Hindi ko alam ang ir-react ko, matagal ko ng alam at halata ko na pero mas masakit pala pag harap-harapang sinabi sayo.
Nakita ko ang panic sa mukha ni Hazel, she is about to interrupt Fixel pero sumenyas ako na 'wag.'
"Hi!" nilahad niya ang kamay niya.
Ang sweet ng boses niya, maganda ito at straight ang buhok, maganda ang pangangatawan, maganda din ang kutis. Halatang alagang-alaga.
"Uh.." tinanggap ko ang kamay niya. "Hi! Aristasia.. Sia nalang."
Nagulat si Fixel doon, kapag nagpapakilala ako ay 'Aris' ang pinapatawag sa akin, pero hindi, hindi ko alam, ayoko.
"Uh.. Anong ginagawa niyo dito?"
"It's our 4th monthsarry." sabi ni Eyana. "Kahapon dapat iyon pero ngayon lang namin sine-lebrate dahil na-busy ako, kasi finals na namin."
Sa birthday ko pa.
Hinawakan ni Hazel ang kamay ko at nag-paalam na kayna Fixel.
"Uhmm. May lakad pa kasi ako, iuuwi ko na si Aristasia." bumeso siya sa pisngi ni Eyana at Fixel. "E-enjoy.."
Hindi na ako makatingin, gusto ko na lang makaalis doon, aalis na sana kami pero tinawag ako ni Fixel.
"Aristasia,"
Humarap ako sakanya.
"Welcome back."
Naiiyak na talaga ako, pero mataas ang pride ko kaya ngumiti ako sakanilang dalawa. "Thank you, congrats nga pala sa inyong dalawa. Stay strong."
Tuluyan na akong nahila ni Hazel doon, pagkarating sa kotse niya, doon na bumuhos ang luha ko.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Hazel sa biglang pag-iyak ko, naglahad siya ng isang malinis na panyo.
"I-it's okay.."
"Uwi na t-tayo.."
Hinatid ako ni Hazel, balak niya pa sana akong damayan pero tumanggi ako, i'm fine naman. Sinungaling.
Iyak lang ako ng iyak buong hapon, tumanggi akong kumain, busog ako pero alam kong magang-maga yung mata ko, nawawalan ako ng ganang kumain.
Andaming pumapasok sa isip ko. Kung sakaling sinabi ko ba sakanya ang totoo, hihintayin niya ako? Kami pa rin ba?
Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Ang tanga mo Aris. Ang tanga mo.
"Lucky girl.."
Ang swerte niya kay Fixel, ang swerte niya kasi nasa kanya na si Fixel, nasa kanya na yung atensyon.. Yung pagmamahal.
Kaya pala, kaya pala palaging nagc-comment si Eyana sa bawat ig post niya, naistalk ko kasi siya minsan gamit ang account ni mama.
Umiyak lang ako ng umiyak, hindi ko pinarinig kayna mama sa labas dahil ayoko ng awa, kasalanan ko kung bakit, inaamin ko naman.
Tumunog ang cellphone ko, hindi ko iyon pinansin pero naisip ko, bakit pa ako iiyak sakanya?
Break na kami diba? Dapat nga sa ngayon naghahanap na ako ng iba.
"Hindi mo kasi kaya..." nasabi ko nalang.
Chineck ko ang nag-text at nagpa-lundag yon sa puso ko at nawala ang pag-iyak ko.
From:Unknown number
Fixel 'to. Can we talk?
-------
Epilogue is next! :))
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner