Chapter 21

6 1 0
                                    

"Mam-miss ko to!" hawak ni Vina sa upuan namin ng umagang iyon.

Graduation na namin, makakapag-tapos na ako ng pag-aaral, graduate na ako, makakapag-trabaho na ako.

"Hoy, tahimik mo."

Ngumiti ako sakanya, hindi natupad ang gusto ko na maging nurse, business ad ang kinuha sa akin nina mama at papa dahil ako ang mamahala ng negosyo namin.

"Wala. I'm just thinking, natiisan ko pala ang pagiging maingay mo."

Binatukan niya ako. "Ang sama mo!"

Nagtawanan kami.

Kalungkot naman, kahit papaano'y mamimiss ko ang ambiance at ingay sa pagiging estudyante, tapos na ako. Magt-trabaho na ako.

Maaga kaming pumunta sa school, proud sina mama sa nakuha ko, malaki ang grado ko kaya it-treat daw nila ako ng kahit ano.

"Attention, please proceed to your line."

Hinila na ako ni Vina. "Tara na daw!"

Si Vina, pagkatapos nito, uuwi na ng pilipinas, doon na daw siya titira, nandito lang siya dahil dito nya gustong ituloy ang pag-aaral niya, pero sa pilipinas siya magt-trabaho.

Ako kaya, saan?

Naisip ko, hindi ko na kailangan umuwi, ayoko nang magpakita kayna Klea dahil alam kong wala na akong mukhang maihaharap.

5 taon na ang nakalipas, pero yung sugat ko, hindi pa rin nawawala.

Madaming nanligaw sa akin dito, pero hindi ko masagot-sagot dahil kay Fixel, siya palagi ang naiisip ko pag kaharap ko ang manliligaw sa akin.

Si Fixel kaya may iba na?

Sa sobrang tulala ko, hindi ko alam na naka-upo na ako sa assign seat ko, inaantay ko nalang ang pag-tawag sa pangalan ko.

"Aristasia Celine Garcia."

Umakyat ng stage sina mama at papa at malu-luhang niyakap ako ni mama.

"I'm so proud of you, anak."

Pati ako naiyak.

Pagkatapos, medyo hindi muna hiwa-hiwalay dahil may picture-picture na naganap, medyo mahaba ang nangyari kaya pagkatapos ay agad kaong tumakbo kayna mama.

Kumain kami sa labas, kasama namin si Vina, ang bruha ay aalis na mamaya, aalis na siya kaagad pagkatapos naming kumain.

Hinatid ko siya sa airport. "Hoy! Sabihin mo pag uuwi ka ha!"

"Oo!"

Natawa siya pero naiyak pa rin. "Ma-mimiss kita!"

"Ang arte natin! Bye na!"

Natawa ako at tumango, pagka-talikod niya sa akin, doon na ako naiyak.

Buti pa siya nakakauwi na.

Pagka-uwi ko ng bahay, nagulat ko kasi may mga maleta sa loob ng bahay, marami yon.

"Ma? Ano 'to?"

Ngumiti sa akin si mama ng matamis.

"Uuwi na tayo bukas."

-------

Malapit na yung ending! :))

Short update.

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now