Chapter 5

17 1 0
                                    

-2nd year highschool-

Ganon pa din, may mga bagong kaklase pero this time mga 6 ang nadagdag, 4 ang babae at dalawa ang lalaki.

As usual, unang magpapakilala ang mga transferee, tapos kami na ang huli.

Pero unlike dati, medyo maingay na nung unang pagpasok palang, mga kaklase ko na kasi ang iba at yung iba naman ay galing taga-kabilang section last year.

"Wow, Aristasia, gumanda ka ah? Nagpagupit ka pala?" tanong ng isang kaklase ko.

Tumango ako.

"Sanaol, ganda ha."

Ngumiti nalang ako sakanya at kumindat, nung summer kasi, napansin ni mama na marami akong split ends kaya pinagupitan niya, hindi na rin ako nag-reklamo kasi mainit din.

Hanggang bewang ko na kasi ang buhok ko, tinatali ko nalang pataas kaya umaangat ang buhok ko hanggang dibdib pag tinatali.

Sa ngayon, pinutulan ito ni mama hanggang balikat, nung una medyo nanghinayang ako dahil grade 6 palang ako nung huling putulan yon, pero medyo okay naman ngayon.

Pumasok ang iba naming kaklase at binati nila ako, hindi naman sa nahihiya pero palaging silang nagc-compliment na kala mo isang taon kaming di nagkita.

"Wow, ganun pa din si Tryce, pogi pa din!" kinikilig na sabi ni Klea. "Ang swerte ko talaga!"

"Aristasiaaaaaa!" sigaw ni Hazel mula sa labas, pansin ko na humaba na ang buhok niya at pumuti siya lalo, tumangkad pa.

"Ang ingay mo!" tawa ko. "I miss you!"

"I miss you too!" sabi ko.

"Kami di mo miss?" naiiyak na kunwaring sabi ni Kyle.

"Hindi!" irap ni Hazel. "Si Aris lang!"

"Add ka namin sa gc ah?" sabi ni Klea, matagal nya ng gustong yayain si Hazel sa barkada pero nahihiya daw siya, ngayon lang ata naglakas ng loob.

"Omg!? Sige!"

Kung first impression ang pag-uusapan, si Hazel ang pinaka-mukhang masungit sa mukha palang, pero pag nakilala mo siya, masyado siyang mahinhin.

Napatingin ang iba naming kaklase at transferee kayna Aleyah at Cole, andaming naiingit sakanila dahil sa panlabas palang eh maganda't gwapo na, lalo na sa pangloob.

Speaking of, mukhang marami na namang magkakagusto kay Cole.

Sumunod na pumasok si Fixel, yes, kinulit niya talaga ako para lang tawagin siyang Fixel, eh sa naiinis ako pag nangungulit siya kaya tatawagin ko na siya simula ngayon sa second name niya.

Pumunta siya sa row ko at tumabi ulit, hindi ko na napigilan ang loko, medyo okay lang dahil sa kabila ay katabi ko naman si Hazel.

"Pogi natin boss! May pinopormahan na ba?" puri ni Hazel na akala mo may ibang meaning.

"Malapit na lods! Abang ka lang!" nag-apir ang dalawa sa harap ko at nakita kong tumingin sa akin si Hazel ng nakangiti.

"Oh?"

Sasagot na sana siya pero may tumawag sakanya.

"Hazel!"

Si Ylone, yung manliligaw niya last year, sinabi ko sakanya, wag niya muna sagutin dahil masyado pa kaming bata, willing naman daw maghintay si Ylone kahit gaano pa katagal.

Lumiwanag ang mukha ni Hazel at tumakbo sa pintuan, nakita kong lumabas sila at hinawakan ang ulo ni Ylone at ginulo ang buhok nito.

"Sino yon? Ang pogi?" tanong ng isang transferee sa isang classmate ko.

"Si Ylone, taga star section, manliligaw ni Hazelline." napa-"ahh." yung babae at tumahimik ulit.

"Hoy tahimik mo!" niyugyog ni Fixel ang balikat ko, sinaway ko naman siya. "Ano ba!"

Nakakainis! Kala ko magkakatotoo ang hiling ko na malilipat siya sa kabilang section o kaya sa section 1 dahil matalino naman siya, o kaya lumipat na siya ng ibang school para wala nang panggulo sa buhay ko, pero hindi nangyari!

Sana kahit lumipat manlang ng upuan pagbigyan niya! Medyo hindi ko enjoy yung last year ko dahil sa presence niya.

Pumasok ang teacher namin at narinig ang pinaka-hate na inaasahan ko sa sasabihin niya.

"Ganon pa din ang arrangement ha? Pati groupings."

Napa-sad sina Gaby, lumipat kasi sila dahil hindi naman pwedeng kada taon nalang kami magkagrupo, ang kilala ko lang na kagrupo ko ngayon ay si Klea at Cole, ayos lang din naman dahil nasa amin na si Hazel.

"Yes, magka-grupo ulit tayo,"

Inurapan ko siya. "As if namang matutuwa ako na kagrupo kita."

Napahawak siya sa dibdib niya na parang nasaktan siya sa sinabi ko.

"Hindi naman na kita aasarin ah?" masakit na sabi niya pero alam kong kunwari. "Ang advance mo naman mag-isip!"

Binatukan ko siya. "Hindi na ako naniniwala sayo. Sinungaling ka!"

Syempre nag-away na naman kami, natigil lang yun ng may nagsalita sa harap namin.

"Ahh excuse me," napatingin ako sakanya pero kay Fixel siya nakatingin na ngayon ay kinikiliti pa rin ako. "Excuse me!" saway niya kay Fixel pero parang wala siyang pakialam.

"Ano ba yon?" tanong ko habang pinipilit na iipit ang kamay ni Fixel.

"Ah, sinulat ko na yung pangalan ng katabi ko, pareho kaming transferee, nasa group niyo kami."

Tumango ako at tinanggap yung papel, nakita kong nag-second look siya kay Fixel at umalis na, pansin kong katabi niya si Klea, pero katabi ni Klea sa left side si Fixel, kaya isang estudyante lang ang pagitan nila.

Teka anong pakialam ko?

"Crush ka ata non," sabi ko sakanya.

"Ha? Sino?" lumingon siya sa mga kaklase namin. Binatukan ko siya.

"Yung kanina?" sabi ko.

"Anong pake ko?" sagot niya ng masungit.

"Ang feeling mo!"

"Bakit ba?"

"Kala mo naman gwapo!"

"Eh sa totoo naman!"

Inirapan ko siya at humarap nalang kay Hazel at kunwaring hinahawakan ang dulo ng buhok niya.

"Eh sa may iba akong gusto eh, may iba akong crush."

Napatigil ako sa paglalaro ng buhok ni Hazel. Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Hazel dahil sa reaksyon ko, tumingin ako kay Klea at pasimple siyang nag-appear kay Fixel. Narinig ko pa ang bulong ni Klea na sinabing. "Boss ko yan! Pero boss medyo corny yung pagkakasabi mo ng crush,"

"Ganon ba? Sige sige,"

Tumingin ako sakanya, nakita kong nakangiti siya sakin at kumindat, kinuha ko nalang ang cellphone sa bag at earphone, nagpatugtog ako at kamalasan. "Puppy love." pa talaga yung lumabas at pina-shuffle ng music ko! Talaga naman.

🎶I really like you,
I want to confess
But i'm scared to find out the truth..🎶

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, at naptingin kay Fixel na nakikipag-usap kay Cole.

-------

Hi! Sorry kung may naisisingit na mga buhay ng ibang characters, abang lang kayo sa future stories nila :))

Thank uuuu!

Loving You Endlessly (Garcia Series 1)Where stories live. Discover now