-4th year highchool-
"I miss you," ang unang bumungad sa akin pagka-dating ko sa school, sa harap ng school gate namin.
Sinalubong niya ako ng yakap. "I miss you too," ngiti ko sakanya ng matamis.
Last summer, hindi kami nagkasama dahil nagka-problema sina mama at papa sa negosyo namin, so nag out of the town kami, kailangan kong sumama kasi walang mag-babantay sa akin.
Mature si Fixel pagdating sa amin, pumayag siya nung time na yon, dahil alam niyang importante, nalungkot ako at first pero hindi niya ako tinantanan ng chats, video calls, at padala ng mga regalo sa rest house.
Hindi rin siya nakapunta, hindi pa din kasi pwede, bale ang buong summer namin ay naka-focus lang sa family namin, ngayon lang kami ulit nagkita.
Kinuha niya ang bag ko galing sa likod ko at siya ang bumitbit non. "Salamat,"
Nalaman na nina mama at papa ang tungkol sa aming dalawa, pumayag naman sila basta daw wag muna mag-kiss, tumawa kami ni Fixel at tumango, bawal din daw muna ang matulog sa bahay nina Fixel, pero pwede naman daw pumunta wag lang mag-palipas ng gabi.
Pagka-pasok pa lang namin ng school, may sumisigaw na sa second floor.
"Aristasiaaa!"
Natatawa ako sa sigaw nina Hazel, sinagot na ni Hazel si Ylone, nagulat ako kasi akala ko never siyang magkakagusto kay Ylone pero nangyari pa rin, ang galing lang.
"Na-miss ka namin!"
Pagka-akyat ko, sinalubong agad nila ako ng yakap, hihigpitan pa sana nila kaso hinila na ako pabalik ni Fixel.
"Tama na, nasasaktan na girlfriend ko,"
"Wow! Parang medyo payabang na yan boss ah! Abangan ka namin mamaya sa gate, bugbugin ka namin!" nagkunwaring matapang sina Hazel kaya natawa ako.
"Hindi niyo ba ako miss?" tanong ni Fixel sa kanila.
"Hindi!" sabay nilang sabi. "Pag sinaktan mo yan si Aris! Naku talaga!"
Nawala lang ang ingay ni Klea ng makita si Tryce na papasok na ng room. "Tryce!" sigaw niya pa.
"Uhm.. Aris, Ylone's waiting for me at the canteen, mamaya nalang." ngumiti siya at niyakap ulit ako ng mahigpit. "Wag mong sasaktan to boss!"
"Alam ko. Baka ako pa nga ang saktan eh."
Ngumiti ako at umiling. "Nope!"
Pumasok kami ng magka-hawak kamay, syempre tilian na naman mga classmates namin, parang hindi na nasanay last year ah? Mga to talaga.
"Sanaol!"
"Kainis, bakit ako single,"
Natawa nalang ako sakanila, last year na namin as highchool students, kahit papaano mamimiss ko ang mga kaklase ko.
OA mo naman Aris, kakasimula palang ng first day oh, maraming araw pa ang lilipas bago mangyari yon, enjoy muna for now.
Tumabi ulit sa akin si Fixel, kumapara noon, lumipat na ng school sina Luz, pero may communication pa rin kami sa isa't-isa, nagkikita pa rin kami pag may free time o kaya sa weekends.
Maingay ang klase pero natahimik na yon ng pumasok ang teacher namin.
"Last year na to students. Galingan niyo!" ngiti niya sa amin.
Nagpakilala kami sa isa't-isa, ganun at ganun pa din, hindi muna nagturo yung teacher, first day pa daw kase.
Humarap ako kay Fixel. "Senior high na tayo next year,"
"Tapos?"
Malungkot akong tumingin sakanya. "Magkakahiwalay tayo,"
Tinaas niya ang baba ko at nagsalita. "Sinong nagsabi sayo nyan? Kung saan ka mag-aaral, doon din ako."
-------
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner