"G-Gusto mo a-ako?"
What? Akala ko si Elaine? Akala ko sila? Ano tong sinasabi niya na gusto niya ako, teka. Gusto niya ako?
"D-Diba si Elaine yung gusto m-mo.."
Nauutal pa din ako, syempre, sa gulat at hiya na rin, masyadong akong nagsi-sigaw kanina dahil sa inis sakanya.
"Anong si Elaine, akala mo siya ang gusto ko? Ganyan ka na ba talaga ka-manhid?" tanong niya sa akin.
"Panong-- kailan pa? Ngayon lang ba?" tanong ko.
"Una palang."
Doon ako nagulat ng todo, una palang? Yung mga panahon na binubully niya ako?
"Aristasia Celine Garcia." kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. "Pwede ba kitang ligawan?"
Tinanggal ko ang kamay ko sakanya, kadiri ha! "Masyado pa tayong bata para sa ligaw-ligaw na yan Fixel!"
"Pwede mo naman akong sagutin ng matagal at kung kailan mo gusto ah? Hindi naman ako namimilit."
"Ha?" seryoso ba siya?
"Bahala ka,"
Iniwan ko siya don, okay fine, aaminin ko na, napangiti ako don, hindi dahil sa manliligaw siya sa akin kundi dahil sa mga nalaman ko.
Akala ko talaga si Elaine ang gusto niya, akala ko lang pala, ako pala talaga yung gusto, ako yung sinasabi niyang matagal niya ng crush.
Flashback
Habang nagtuturo si Ms. Apple sa amin, may kumatok galing sa labas. "Pasok," sabi ni Ms. Apple.
May pumasok na babaeng maganda at umaalon ang buhok, maputi ito at matangkad, nakita kong tinitingnan siya ng mga kaklase ko mula ulo hanggang paa.
May binulong siya kay Ms. Apple, nakita kong nagbubulungan ang mga lalaking classmates ko na nagtutulakan ko sino yung unang magpapakilala.
Paalis na sana yung student pero nahulog niya yung ballpen niya, pinulot yon ni Fixel at ibinigay sakanya, nakita kong kumislap ang mata nung babae ng makita si Fixel.
"Salamat," ngiti ng matamis nung babae.
Hindi siya sinagot ni Fixel, ako naman mangha pa rin don sa ganda nung babae, eh sa maganda naman talaga!
"Hoy, ang ganda non!"
"Mas maganda ka,"
Umirap ako. "Sus, kunwari ka pa, baka nga mamaya crush mo na yon eh, mukhang mutual naman na agad yung nararamdaman niyo,"
"Hindi rin."
"Ha?"
Tumingin siya sa akin ng seryoso. "May iba akong gusto,"
End of flashback.
Kaya pala todo tanggi siya kapag may inaasar sakanyang babae, kaya pala hindi niya sinasabi yung gusto niyang babae.
Kasi ako yon.
Pagkapasok ko ng classroom, tinginan agad mga kaklase ko sa aming dalawa ni Fixel, maya-maya nagtilian sila.
"Yie! Kunwari pa to si Aris, siya naman pala!"
Nakita kong umirap si Elaine sa akin at lumabas, sina Klea naman nag-senyas na magkita kami mamaya pababa sa canteen, dapat daw akong mag-kwento.
Ang mga bruha ay may alam na pala, lalo na si Hazel! Humingi pa siya ng tawad kasi secret daw talaga yon.
Hindi ako pumayag sa gusto ni Fixel, pero kung kaya nyang maghintay, ibibigay ko sakanya yung 'oo' ko.
Sana. Sana antayin niya ako.
-------
Dito na, dito na magsisimula ang story nila Aristasia at Fixel, sana suportahan niyo ang story na to sa dulo, medyo maikli lang to kasi di ako masyadong marunong maglagay ng sweet moments.
Salamat! :))
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Novela Juvenil[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner