"ang tagal mo ah!" pabirong sabi ko.
Syempre joke lang yon, palagi kaya siyang maaga, nahihiya na nga ako dahil siya lagi ang maaga eh, hindi pa nagrereklamo.
"Matagal ba? Aagahan ko nalang next time para--"
"Joke lang! Nahihiya nga ako kasi palagi kang maaga eh, sunod nga ako naman susundo sayo?" suggestion ko, hindi naman kasi porque lalaki siya eh siya na palagi ang nag-iinatay sa akin.
"Ganyan naman talaga pag mahal mo ah? Kahit isang araw mo pa akong pag-antayin, aantayin pa rin kita."
Umirap ako sa ka-cornyhan niya. "Ang corny mo!"
"Sinsasabi ko lang ang totoo." hinawakan niya ang batok niya na parang napahiya. "Nagawa nga kitang antayin, ngayon pa kaya na tayo na?"
"Whatever!"
Ngumiti siya at inakbayan ako, buti nalang pumayag sina mama na ako na ang pipili ng susuotin ko para sa prom, medyo secure na rin sila dahil kasama ko naman daw si Fixel.
Malaki na ang tiwala nila kay Fixel, at masaya ako para doon.
Sumakay ulit kami mg jeep as usual, marunong mag-drive ng kotse si Fixel pero 16 palang siya kaya hindi muna siya pwedeng lumayo.
"Gusto mo kain muna tayo?"
Tumango ako. "Ikaw bahala, tsaka, nakakagutom din pala no!"
Pinitik niya ang noo ko. "Palagi ka namang gutom eh."
What? Namimitik na naman siya ng noo. "Ano yon? Kinikilig ka na naman sa sinasabi ko? Anong nakakakilig doon?"
Umiwas siya ng tingin. "Palagi naman akong kinikilig pag nakikita ko ang mukha at mga expressions mo."
Hmp. Ang lakas nyang mambola! Ang lakas niyang makapaniwala na totoo!
"Bolero!" sinapak ko siya. "Tara na!"
Pumunta kami sa patahian, yung ni-suggest daw ng mommy niya sa amin, sa sunod na araw na yung prom pero nagawa na yung gown namin, ang Fixel na to! Kaya pala nagyaya, may nakahanda na pala sa akin.
Atleast hindi na ako mamo-mroblema sa susuotin ko para sa prom, kainis, masyadong thoughtful tong si Fixel at alam ang favorite kong color.
"Sukat mo po," sabi ng assistant ng designer, sinukat ko yon sa fitting room at nakitang bagay sa akin. Nagmukha akong tao.
"Aristasia? Patingin ako!" na-eexcite na sabi ni Fixel. Lalabas na sana ako para ipakita sakanya kung maganda ba o hindi pero naisip ko na isurprise siya sa look ko. "Pag prom na! Surprise!" natatawang sabi ko.
"H-ha? Susurprise mo a-ako?" narinig nyang sabi ni Fixel galing sa labas.
Nakabihis na siya non ng suot niyang damit at lumabas, nakita niyang namumula si Fixel.
"Oh, bakit ka namumula dyan?"
Sinampal niya ng mahina ang pisngi nito pero iniiwas yon. "W-wala.."
"Ikaw naman ang sumukat ng susuotin mo." sabi ko dahil nawe-weirduhan ako sa taong to.
Pumasok siya ng namumula, nakita kong nakangiti sa amim yung designer, na ninang nya pala.
"Ang cute nyo,"
"Salamat po," ngumiti ako.
Ganyan palagi ang naririnig ko kahit sa mga classmates ko, kung ano yung tratuhan namin ni Fixel nung una kaming magkakilala, ganun pa naman din hanggang ngayon. Mas naging sweet nga lang siya sa akin.
Hindi lumalabas si Fixel at masyadong na siyang matagal kaya nainip ako.
"Hoy! Tapos ka na?"
"Oo!"
"Patingin ako!"
Hinintay niya ito pero hindi rin ito lumabas.
"Ayoko nga!" narinig niya ang mahina nitong halakhal na nagpalundag sa puso niya. "Gagayahin din kita, surprise din!"
Umirap ako, alangan naman ulitin ko siya diba? Baka pati ako pabihisin niya ulit para lang makita niya kung anong itsura ko.
"Bahala ka,"
Pagka-labas ni Fixel, naka-bihis na siya ng damit niya kanina at ibinigay sa ninang niya ang suit namin.
"Salamat dito, ninang. Sa sunod po naming balik, yung sa kasal na po namin."
Nakita kong natawa si ninang niya kaya namula ako. "Sige, aasahan ko yan."
"Siraulo ka talaga!" binatukan ko siya pagkalabas namin, tawa siya ng tawa sa reaksiyon ko.
"Hehe, sorry na,"
Umirap ako. "Saan na tayo ngayon?"
"Gusto ko ng umuwi, movie marathon nalang tayo sa bahay!" suggestion ko.
"Sige!"
Ngumiti ako, naeexcite ako sa prom namin, hindi dahil sa may partner ako, alam kong nandyan si Fixel, masaya na ako.
Nauna akong maglakad dahil sa hiya, palaging ganyan ang nangyayari, nahihiya pa rin ako minsan pag kasama siya, hindi ko alam kung sinasadya nyang mambola o sadyang inosente at honest lang siya.
Nakita kong hinawakan niya ang kamay ko at nagsabay kaming maglakad palabas.
"I love you."
-------
YOU ARE READING
Loving You Endlessly (Garcia Series 1)
Teen Fiction[Completed] Aristasia is being chased by Isaiah Fixel Montalban, a popular guy who got all. Looks, talent, wealthy life and fame, first year highschool palang sila ay nililigawan na siya nito. Cover not mine, crdts po sa owner