Chapter 43: A Bipolar He Is

885 36 24
                                    

[Aisel's POV]

"Destiny Aisel Montes pag hindi ka bumangon dyan pupunitin ko yung poster ni Jaejoong!"

.....

"Hindi ka pa rin babangon?!"

"Ano ba naman ang ingay o! Inaantok pa ko eh!" iritang sabi ko sabay takip ng unan sa tenga ko. Ang aga aga umaalingawngaw ang boses ni Trixie sa kwarto ko! >__<

"Ah ganon? Wala ka talagang balak bumangon?!"

Inaantok pa ko!!!

"Hindi ba ngayon ang dating nina Tita? Hindi mo man lang ba sila susunduin sa airport?!"

O__O

!!!!!!

Oo nga pala! Ngayon ang uwi ng parents ko dito sa bansa! Waaaah nakalimutan ko susunduin ko pala sila sa airport! Anong klase akong anak?!

"Ano? Hihiga ka na lang dyan?! Bumangon ka na at maligo!"

Biglang pumasok si Angel sa kwarto ko.. "Aisel! Tumawag yung lola mo! Pupunta raw sila ngayon dito ni Hance! Omygad na-miss ko yung batang yun! Sabi ng lola mo, iyak ng iyak si Hance dahil nagyayaya raw mamasyal kaya lang hindi kaya ng tuhod ng lola mo kaya ikaw na lang daw ang magpasyal sa kapatid mo.."

"Teka, ano ba uunahin ko? Susunduin yung parents ko sa airport o ang ipasyal si Hance?!"

♫ I feel like my heart is stuck in bumper to bumper
Traffic, I'm under pressure coz I can't have you the way that I want ♫

"Hello? Lola, bakit po kayo napatawag?"

"Hija, na-cancel ang flight ng Mommy't Daddy mo, dahil nagkaproblema sa Visa pero wala namam daw kailangan ipag-alala dun. Ngayon, dahil late ang pag-uwi nila, ipapadala nila yung mga invitations para sa birthday mo na naayos nila dun.. Ikaw na lang ang bahalang magbigay sa mga gusto mong bisita.. Mamayang tanghali baka nandyan na siguro yung pinadala nila.."

"Ganun po ba? Sayang naman po at na-cancel pa yung flight nila.." namimiss ko na yung parents ko, gustung-gusto ko na sila makita..

"Wag ka mag-alala, apo, hindi sila papayag na hindi mo sila makasama sa kaarawan mo.."

I smiled..

"O sige na apo, pupunta kami ni Hance dyan ah? Ihahatid ko lang siya dyan at uuwi ulit ako dahil walang kasama dito sa bahay ang Lolo mo.. Masakit ang tuhod ko, hija, kaya ikaw na ang magpasyal sa kanya" then she chuckles.

"Haha! Opo Lola! Hihintayin ko po kayo dito"

Matapos nun ay ibinaba na namin yung phone..

Naligo na ko at nagbihis..

Maya-maya...

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon