Chapter 8: Walk Out King and The Bestfriend

811 25 0
                                    

---At Aisel’s Condo---

 [Aisel's POV]

Bago ko buksan yung main door namin, tumingin muna ako sa orasan ko.. 12am na. Tsk. Naalala ko si Luhan. Bwisit na lalaking yun, tinawag akong Destiny! Pero buti na lang mas matindi yung ganti ko mwahahahaha >:D Destiny pa more! XD

Pagbukas ko ng pinto. Nakapatay na lahat ng ilaw sa baba. Himala at nagpatay ng ilaw ngayon ang mga bruha. Natutulog na rin siguro sila sa taas dahil anong oras na.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang ilaw o________o

*slap*

Sinampal ni Angel si Trixie. O_______o

“Ang sabi ko, lagyan mo ng toyo!” – angel

“P-pero..” – trixie

“Anong pero pero?! Lagyan mo na ng toyo!” – angel

“P-p-perooo hin--”

“Hindi ka ba nakakaintindi?! LAGYAN MO NA NG TOYO!”

“P-PERO HINDI NILALAGYAN NG TOYO ANG SINIGANG SA MISO!” – Trixie

“Hoy!” Sigaw ni Rachel kay Angel. Lumingon naman si Angel

*slap*

“Wala kang karapatan! Pagkatapos mong agawin ang lahat lahat sakin pati ang pinakamamahal kong boyfriend tas ngayon, pinapalagyan mo ng toyo yung pinapaluto kong sinigang! How dare you!” – Rachel

Lumuhod si Angel kay Rachel.

“Patawarin mo na ‘ko huhuhuh” – Angel.

“Patawad?! Yan lang ang sasabihin mo pagkatapos mong palagyan ng toyo ang sinigang ko?! PATAWAD?! YUN LANG?!” – Rachel

“Huhuhuhuh hindi ko na uulitin patawarin mo na ko” – Angel. Habang nakahawak na siya sa mga tuhod ni Rachel.

“Angel, kahit ano pang gawin mo, hinding hindi mo na mapapaltan pa ang sinigang ko! Sinira mo na ang lahat lahat pati ang tiwala ko sa’yo! Kahit kailan, hindi mo na maibabalik ang sinigang ko!!” – Rachel.

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon