Chapter 27: Heartbreak

659 18 4
                                    

Hello readers! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Finals na kasi at sobrang busy talaga kami ngayon. Sana di kayo mawalan ng gana magbasa nito kahit nagiging slow na ang update ko. I will surely not disappoint you sa magiging twist at ending ng story na 'to pramis ♥♥ And speaking of ending, malayo pa yun, as in sobrang layo pa XD as in MALAYOOOO :D 

and hello YellowPixie88! Dedicated ulit sa'yo ♥♥ Parehas nating mahal si Jaejoong haha :D Mahal ko rin ang abs nya XD btw, ang cute ng mga comments mo bby thank you sa pagsupport ng story sana hindi ka magsawang basahin 'to hanggang huli :)) ♥♥

Sorry for the long post.. Enjoy reading ;)) ♥♥

[Aisel’s POV]

Luhan.. Kailangan ko munang lumayo sa’yo.. Sorry..

Iniwan ko na siya at naglakad palayo.. Oo inaamin ko, ayoko nitong ginawa ko.. Ayokong lumayo sa kanya.. Ayokong hindi ulit siya pansinin lalo na’t kakabati lang namin at komportable na kami sa isa’t-isa.. Ramdam kong may guilt ako dahil sa ginawa ko sa kanya..

Pero paano naman ako? Ayokong mangyari ‘to.. Ayokong mahulog sa kanya lalo na’t ang puso at isip nya ay nasa nakaraan pa rin.. Kaya mas mabuti pang iwasan ko na lang siya..

Dire-diretso lang ako sa paglalakad dahil malapit na rin ang next class namin..

“Nakita mo ba yung bagong transferee?”

“Ah.. Oo sabi nag-aral na rin daw dito yun”

“Ang ganda nya no? Nakakainggit..”

“Pero sabi ex raw yun ng isa sa mga EXO eh..”

Napatingin ako sa dalawang estudyanteng nag-uusap.. Sino yung tinutukoy nila?

Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad.. Pero napapaisip ako kung sino yung pinag-uusapan ng dalawang estudyante..

Ng makarating ako sa hallway naaninag ko sa malayo si Rachel na may kasamang babae habang pasalubong kong naglalakad.. Pero di ko naman maaninag yung mukha ng babaeng kasama nya.. Basta ang alam ko mistisa at mahaba ang buhok nung babae. Baka classmate lang namin yun..

Habang papalapit ako ng papalapit sa kanilang dalawa, unti-unti kong namumukaan yung kasama nyang babae..

Hanggang sa tuluyan ko na siyang makita..

Napahinto ako sa paglakad..

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon..

Nasa harap ko siya ngayon..

Kung di ako nagkakamali..

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon