Chapter 26: Transferee

676 17 5
                                    

Dedicated sa Dyosa kong exo-l na friend, XiuLay biased ♥♥ Aldreen Aquino!! Ayieee dyosa hahaha! XDD Ayan na girl! Thanks sa pagsuporta sa story. Love yaaa :* ♥♥

[Aisel's POV]

"Ang tagal rin pala nila.. 4 years.. Hindi biro sa isang relasyon ang magtagal ng ganun kahaba."

"Alam mo bang napaka-sweet nilang dalawa nun.. Halos hindi na sila mapaghiwalay.. Kitang-kita namin kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Napaka-perfect nilang couple. Bihira lang rin sila mag-away.. Yang si Luhan, never namin nakitang tumingin sa ibang babae yan.. Si Ashley lang talaga ang nag-iisang babae sa mga mata nya.. Si Ashley ang pinakamaganda para sa kanya.. Si Ashley ang pinaka-perfect sa paningin nya.. at hindi imposibleng hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ni Luhan para kay Ashley hanggang ngayon.. "


Napakaswerte pala ni Ashley kay Luhan.. Bakit nya kaya iniwan si Luhan?

At aaminin ko, nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Baek. Mas makirot kumpara sa naranasan ko nung isang gabi..

Nagseselos ba ko? Nagseselos ba ko kay Ashley? Hindi maaari 'to!! Hindi pwede!! >_<

"A-ano naman sa tingin nyo ang dahilan kung bakit biglang umalis si Ashley?"

Nag-isip ng husto si Baek bago sumagot.. "Hindi rin talaga namin alam.. Hindi naman sila nag-away ni Luhan nung mga oras na yun.. Kasi kahit si Luhan ay hindi nya alam.. Natatandaan mo pa ba yung mga panahong hindi pumapasok si Luhan o yung pag-cut classes nya sa mga subject natin? Diba naglalasing siya nun at nadadawit sa mga away? Iniisip namin, na baka naaalala nya si Ashley kaya nya na naman ginagawa yun.."

"Akala ko ba hindi siya nagrebelde nung bigla siyang iniwan ni Ashley?" Sa pagkakakwento ni Baek, mukhang sobra pa sa sobra ang pagmamahal ni Luhan kay Ashley..

"At some point, oo nagrebelde siya, dumating rin yung oras na hindi na siya nakakaattend ng klase for the whole week at nag-iiinom rin siya.. Pero bandang huli, namulat rin siya at imbes na ipagpatuloy yung pagrerebelde nya ay mas lalo siyang nagpursigi sa pag-aaral which is a very good thing.."

"Seryoso pala magmahal si Luhan.. Ang swerte ni Ashley sa kanya.. Pero bakit nagbalik rito si Luhan at hindi na lang tinapos sa US ang pag-aaral nya?" muli kong itinanong kay Baek..

"Ipinangako kasi namin sa grupo na sabay-sabay kaming tutuntong ng highschool sa iisang school at sabay-sabay ring magtatapos.. Kaya't nagbalik ngayon si Luhan para tuparin ang pangako namin sa grupo... Inasahan rin namin na makakasabay namin si Ashley pero bigla na lang siyang hindi nagpakita..." kinuha nya ang baso nya na may lamang kape at dire-diretso na itong ininom hanggang sa maubos.. Matapos nun ay tumingin siya sa wrist watch nya.."Lika na Aisel.. Ihahatid na kita sa inyo.. Maggagabi na rin eh.."

"Ay wag na.. ok lang.. kaya ko naman umuwi mag-isa eh.. thank you sa pagsagot sa mga tanong ko baek.. sadyang na-curious lang ako kay Ashley eh.. And tungkol pala dun sa fake relationship namin ni Luhan.. May favor sana ako sa'yo eh.."

"Ano yun?"

"Pwede bang ikaw na lang ang magsabi sa buong EXO about dun? Wala kasi akong lakas ng loob magsabi eh.."

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon