Chapter 5: Campus' Prince

833 25 0
                                    

[Aisels POV]

“So, this is your house” sabi nya pagkatapos nyang ihinto yung sasakyan nya sa labas ng condo namin. Nasa loob pa rin kami ng kotse nya.

“Oo. Baket?” Sabi ko sa kanya ng nakairap. Tinaggal ko na yung seatbelt ko at lumabas na ng kotse.

“Tss.” Leshe ‘to. Lumabas na rin siya ng kotse nya.

Sakto, nakita kong may bumukas ng main door namin. Si Rachel. Hays kahit isang gabi lang akong nawala na-miss ko agad ang mga baliw kong kaibigan.

May kasunod siyang lumabas, si Angel. Bakit nakaitim silang dalawa? Maya-maya lumabas na rin si Trixie at nakaitim din siya! WHUT’S HAPPENING?

“Hindi ako makapaniwalang wala na si Aisel Waaaaaaaaaah” hagulgol ni Trixie. Ano daw? Ako? Nawala? Meaning, namatay? Ay gaga.

“Ganyan talaga ang buhay, tanggapin na lang natin” pagpipigil na iyak ni Rachel. Niyakap nya si Trixie and this time, parehas na sila umiiyak.

“Girls isipin na lang natin na nasa mabuting kalagayan na si Aisel” sabi ni Angel na umiiyak na rin. Hinahagod nya yung likod nung dalawa.

“Yung pink na medyas ko Aisel!!! Huhuhu” – sigaw ni Rachel habang umiiyak

“Waaaaaaah yung diamond keychain ko pa naman na sa kanya! Sana sinoli nya muna bago siya nawala” TToTT – Trixie

“Suot nya yung may fruity design na bra ko nung gabi na nawala siya eh! Huhuhu Aisel ibalik mo yung bra ko!” T_______T – malakas na iyak ni Angel.

NA-TOUCH NAMAN AKO SA MGA PINAGSASABI NILA >.<

LETSE ‘TONG MGA ‘TO PINATAY NA DAW BA KO! MGA HAMPASLUPA!

Tumingin ako sa lalaking naghatid sakin, poker face pa rin at nakatingin din sa mga kaibigan kong nag-iiyakan. Tumingin siya sa’kin, at napangiti tuloy ako ng pilit. Nakakahiya yung mga kaibigan ko >__<

“AISEL!!! KUNG NASAN KA MAN NGAYON, SANA MASAYA KA NA! WAG KANG MAGPAPAKITA AT MAGPAPARAMDAM SAMIN AH! ALAM MO NAMANG TAKOT KAMI SA MULTO!” sigaw ni Angel.

Aaaaaaaaaarrrggggggghhhhhhhhhhhh >________<

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon