Chapter 63

170 13 21
                                    




[Aisel's POV]


"Aisel.. Buksan mo na yung pinto.. Kumain ka na.." narinig kong sabi ni Trixie mula sa labas ng kwarto ko.. 


"Aiselita.. Gabi na, pero kahit almusal, hindi ka man lang nakakain.." sabi naman ni Angel sabay katok.


Napahigpit ang pagkakaakap ko sa unan ko..


Wala talaga akong maramdamang gutom ngayon.. Makaramdam man ako, wala pa rin akong gana kumain..


"Aisel.. Please.."


Ugh. Sorry pero ayoko talaga kumain..


Napabangon ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko..


Err meron pala silang spare key..


"Kakain ka? O kakain ka?" tanong sakin ni Rachel na parang nanay ko..


Tinignan ko lang siya at tamad na umiling-iling saka bumalik muli sa pagkakahiga..


"Alam mo, kapag nalaman ni Luhan yang pinaggagawa mo.. Baka biglang umuwi dito yun.." - Angel.


I heave a deep sigh..


Narinig ko na naman ang pangalan nya..


Muli na naman nangilid ang mga luha ko.. Ugh! Kaya ayoko naririnig pangalan nya eh..


Nagsunud-sunod na naman ang pagtulo ng luha ko..


Hinila ako ni Trixie para bumangon then she threw my head on her shoulder..


Nagsimula na naman ako humagulgol ng iyak sa balikat nya..


"Ayoko na ng ganito.. Miss na miss ko na siya.." I cried..


First day without his presence..


Pero hindi ko na kinakaya..


Paano pa sa mga susunod na araw na magdadaan na wala siya?


Yung puso ko parang dinudurog kapag sinisigaw nito ang pangalan nya. Masakit. Mahapdi.


"Aisel..."


Naramdaman ko na lang na pati sina Rachel at Angel ay niyakap ako..


"Aisel.. Iiyak mo lang yan.. Okay lang yan.." - Rachel.


When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon