Chapter 45: HER BIRTHDAY

474 24 6
                                    

What do you say when tears streaming down your face in front of everyone you know?..

And what do you do when the one who means the most to you..

..Is the one who didn't show?

[Aisel's POV]

"My beautiful daughter, are you ready?"

Hinawakan ko ang kamay ni Mama na nakalagay sa balikat ko habang tinititigan ko ang reflection naming dalawa sa salamin.. Huminga ako ng malalim.. Kinakabahan ako..

"Yes, Ma." nakangiti kong sabi habang kabadong hinihimas ang kamay ng Mama ko..

Kahapon lang nakarating dito sa bansa sina Mama't Papa. Hindi ko alam kung kailan ang balik nila sa America pero sana magtagal pa sila dito sa bansa. Tulog lang ata ang pahinga nila nang makarating sila dito dahil non-stop ang bonding nila kasama si Hance at ako.

Hindi ko akalain na ganito ang magiging set-up ng birthday party ko. Ang nasa isip ko lang nun ay isang maliit na salo-salo kasama ang mga kaibigan at mahal ko sa buhay. Simpleng party lang naman ang hangad ko, but my parents doesn't failed on making surprises.

Yung suot ko, hindi dress. Ayoko na rin ng magarbong gown. Right now, I'm wearing a color light indigo hanging blouse that fell down on my hips with a long cut out sleeves and dark blue jeans. My feet are being covered with high-heeled brown boots. My hair slid down in a perfect waves, my make-up is just light and natural.

Nandito kami ngayon sa totoong bahay namin. Hindi sa condo ko o sa bahay nila Lolo't Lola, kundi dito mismo sa bahay naming Montes.

Nasa 3rd floor ako kung nasan ang totoong kwarto ko at kakatapos ko lang ayusan. May sliding glass door dito para makapunta sa balcony at para makadungaw sa garden namin kung saan gaganapin ngayon ang birthday ko.

"Nag-aantay na ang mga kaibigan at kaklase mo sa ibaba, hija. Let's go?" tanong muli sakin ni Mama. Nag-nod ako at sabay kaming pumunta sa garden.

"HAPPY BIRTHDAY AISELLL!!!!"

Nagulat ako at napangiti nang sabay-sabay sumigaw ang mga kaibigan ko pati ang EXO sa paglabas ko.

Napatingin ako kayMama at agad ko siyang niyakap.

"Thank you, Ma."

"Happy Birthday my princess.. I love you.."

Kumawala ako sa yakap at hinalikan ko sa pisngi ni Mama.

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon