Chapter 67

170 13 18
                                    


[Aisel's POV]


"...Luhan?.."

Kinusot ko yung mata.. Pero totoo talaga. Si Luhan nga yung nasa ibaba ngayon.

Bigla na lang bumuhos ang mga luha ko habang nagpapalitan kami ng tingin na dalawa..

After 8 months.. Sa wakas.. Nakita ko siyang muli..

Agad akong bumaba ng condo para makita si Luhan..

Bumalik na siya.. Binalikan nya na'ko..

Pagkabukas ko ng gate ay hinanap ko yung nakatayong lalake kanina..

Nawala siya...

Lumingon-lingon ako sa paligid, baka sakaling makita ko siya..

Pero wala talaga..

Hindi ako nagkakamali sa nakita ko kanina.. Si Luhan talaga yun..

Agad na naman bumuhos ang mga luha ko at sa sobrang panghihina ko ay napaupo ako sa gitna ng daan dito sa labas ng condo unit namin..

"L-Luhan.."

Di ko na napigilan pa ang mapahagulgol. Nakita ko talaga siya! Nasan na ba siya? Saan siya nagpunta?! Nandito na 'ko sa labas, Luhan, magpakita ka na sa'kin!

"Aisel!"

Patuloy lang ako sa pag-iyak at may naramdaman kong nagtayo sa'kin..

"Aisel.."

Napatingin ako sa lalakeng lumapit sa'kin..

"Xiumin?.. A-anong ginagawa mo dito?" I said between my sobs..

"N-napadaan lang ako, may pinuntahan kasi akong kaibigan na nakatira lang malapit dito.."

"Xiumin, nakita ko si Luhan kanina! Nandito siya kanina sa labas ng condo ko at nakatayo.. Xiumin bumalik na siya! Nakita ko siya!"

Umiling-iling si Xiumin..

"H-hindi, Aisel, hindi siya sumama sa'min pabalik dito at hindi pa namin siya nakikita.."

"Hindi! Nakita talaga ng dalawang mata ko kanina. Maybe hindi nga siya sumabay sa inyo o nagpakita, pero sa'kin nagpakita na siya! Xiumin, maniwala ka sa'kin.." mapagkamalan na 'kong baliw ni Xiumin pero hindi ako nagkakamali ng nakita kanina! Si Luhan yun!

"Aisel.. Hindi si Luhan yun.. B-baka ako lang yung nakita mo kasi may mga nakita akong bata kanina na pinagtitripan yung gate nyo kaya sinita ko.."

Hindi.. Hindi ako naniniwala sa kanya..

"Aisel, si Luhan ay nasa States pa, okay? Paano siya mapupunta dito?"

Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko because of too much frustration and disappointment.

Kung ayaw nila maniwala sa'kin, bahala sila! Basta ako, sigurado ako sa nakita ko.


He's back.. Luhan is back..




**



"Yeaaahhh!! Party party!!!"

"Wooohhooo!! Enjoyin ang sembreak! This is heaven!!"

"Sana laging ganito hahaha!!"

Nasan kami ngayon? Nandito kami sa isang bar. Yes. Nasa bar na naman kami, pero this time, kasama na namin ang buong EXO. Ise-celebrate raw ang pagkapanalo ni Luhan. Tss. Celebrate my ass, Luhan, eh wala ka nga dito. Tss.

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon