Chapter 54: Mud Sweetness

293 17 7
                                    

[Aisel's POV]

"San tayo pupunta, Luhan?"

"Secret."

"Sabihin mo naaaa."

"Secret nga eh."

"Tss." =3=

"Ubusin mo na yang pancake mo, kala ko ba masarap?"

Nako naalala ko na naman yang pancake na niluto nya! Yung sinabi kong ubos na yung pancake, joke lang yun! Di ko pa ubos yung pancake! Kalahati pa nga nakakain ko eh, ang pait kasi!!

Hinawakan ko yung tinidor at tinitigan na naman yung sunog na pancake. Sana pag tinitigan yung pagkain kusang nauubos. Ayoko na kasiiii T_T

Feeling ko isusuka ko lang pag sumubo pa ulit ako ng kahit isang subo, ang pait kasi eh kaya lang hindi ko naman masabi kay Luhan dahil ayoko ma-disappoint siya sa pinaghirapan nyang iluto para sa'kin. Remember, may smiley face pa nga diba? Ang effort T_T

Nang nakatalikod siya ay sumubo ako ng isang mabilisang subo kaya lang, hindi na nagustuhan ng sikmura ko yung ginawa kong pagsubo kaya naduwal ako. Nilagay ko agad ang kamay ko sa bibig ko, trying my best not to make a single noise na nasusuka ako, kaya lang nalingon agad sa'kin si Luhan so nahuli nya kong parang isusuka na yung kinain ko..

Tumayo ako at pumuntang c.r para isuka dun yung kinain ko. Pagkalabas ko, isang Luhan na nakakunot ng kaunti ang noo at parang inoobserbahan ako ang bumungad sa'kin. Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ba masarap?" tanong nya.

Agad akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong sabihin sa kanya na hindi ako nasarapan kasi pinaghirapan nya yun lutuin para sa'kin, sunog lang talaga kasi kaya iba yung response ng sikmura ko.

Kumuha siya ng towel at lumapit sa'kin. Pinunasan nya ang bibig ko na basa ng tubig noong magmumog ako. Matapos nyang gawin yun ay hinawakan nya ko sa magkabilang pisnge.

"Pwede mo naman sabihin sa'kin na hindi masarap para naipagluto kita ulit o sana bumili na lang ako ng iba para makain mo. Hindi yung hinahayaan mo kong maging kampante na nasarapan ka nga pero hindi pala. Pano na lang kung ipagluto ulit kita nyan, tas hindi mo pala gusto? Edi nahahayaan pala kitang nagugutom nang hindi ko alam. I want you to be healthy. Don't do this again, okay? Sabihin mo agad kung hindi masarap para alam ko kung ano yung mga dapat kong baguhin tuwing magluluto ako." then he gave me a smile.

"Ayoko lang ma-disappoint ka dahil pinaghirapan mong lutuin yun para sa'kin.." sabi ko.

"Ikaw na 'tong nahihirapan.. Pero ako pa rin yung iniisip mo? Lika nga dito.." he pulled me in his arms at niyakap nya ko ng sobrang higpit.

Napapikit ako. Napakasarap talaga sa feeling ng niyayakap ka ng taong mahal na mahal mo. So comforting..

"Destiny, it doesn't really matter kung madi-disappoint ako.. Atleast natututo ako.."

Yakap yakap nya pa rin ako.

"Teka, ano ba gusto mo kainin? Ipagluluto ulit kita.." tanong nya sa'kin.

"Eh diba sabi mo aalis na tayo?"

"Kumain ka muna bago tayo umalis.."

Lalabas na sana siya ng kwarto kaya lang hinawakan ko ang kamay nya..

"Sama ako sa'yo.. Pwede ba kitang panoorin magluto?" tanong ko sa kanya.. 

He ruffled my hair  and chuckled motioning his agreement

Hindi maalis ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko si Luhan magluto.. Suot-suot nya yung floral apron, naalala ko yang apron na yan eh! Yan ang apron na suot nya nang mahuli ko siyang nagluluto nung unang pagkikita namin haha!

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon