Chapter 41.2: Stealing the Lady in Black Dress

632 25 8
                                    

Hello guys! Binago ko pala yung settings nung masquerade event. Ang nakalagay kasi dun sa previous part (Ch.41.1) ay kinabukasan ang masquerade event after nung scene nila Jacob, Aisel and Luhan sa ospital. Gagawin ko na siyang A WEEK after nung scene sa ospital. Yun lang thanks!

ENJOY READING :)

[Aisel's POV]

Nandito ako ngayon sa C.R habang hinahabol ang paghinga ko. Hindi naman ako tumakbo.. Sadyang nagmadali lang ako pumunta dito dahil sa lalaking tumawag sa'kin. Hindi ko kasi siya nilingon ng tawagin nya ko. Narinig ko pa ang ilang pagkatok nya sa c.r na pinasukan ko pero nawala na rin yun kinalaunan.

7 days.. 7 days ko ng iniiwasan si Luhan matapos nung nangyari sa ospital. Alam kong hindi nya naiintindihan 'tong pag-iwas ko. Ilan beses nya na kong sinubukang kausapin at tanungin kung bakit ako nagkakaganito, lalung-lalo na yung ginawa kong pag-amin kay Jacob pero hindi ko siya sinasagot, ni hindi na magawang bumuka ng bibig ko sa tuwing tinatanong nya ko. Kahit isang sulyap na nga lang sa mga mata nya ay hindi ko na rin magawa. Pati mga text at tawag nya, hindi ko sinasagot. Hindi ko rin alam kung bakit nag-iinarte ako ng ganito..

Tinignan ko ang sarili ko habang suot itong maskara. Yung upper part lang ng mukha ko ang natatakpan nito pag suot ko. Buti na lang may suot akong ganito, para walang nakakakita ng tunay na nararamdaman ko ngayon..

I took a last glance to myself in mirror at tuluyan ng lumabas ng C.R.

I'm in the middle of walking at the empty hallway when that familiar voice called again..

"Miss! Wait!"

Napahinto ako sa paglalakad. Ang akala ko wala na siya? Kaya nga ako nagtagal sa loob ng C.R eh! Teka, wag nya sabihing hinintay nya ko makalabas ng cr?

Hindi ko pa rin siya nilingon dahil ayokong tumama ang hinala ko na siya yun..

"M-miss.. Nalagla-- Wait!"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya at tumakbo na lang ako ulit hanggang sa makarating ako sa table namin nila Jacob. Ayoko talagang makita yung lalaking yun!

"Ang tagal mo ata nawala, cupcake?" tanong sa'kin ni Jacob nang makaupo ako.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko nang kunin ko ang baso na may lamang tubig at uminom ng kaunti..

"Are you okay?" tanong nya ulit.

I nodded.

"Aisel san ka ba nagpunta?" tanong sakin ni Rachel sabay tingin sa wrist watch nya. "Almost 1 hour ka nawala o!"

"Huh? Ganun ako katagal nawala?!" Jusko! Halos isang oras pala akong nagbabad sa loob ng c.r para lang taguan ang lalaking yun?! at nakakapagtaka na nakapag-antay siya ng ganun rin katagal!

"Oo kaya! Namumuti na nga mata namin kakaantay sa'yo eh!"

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon