Chapter 57: Belief

334 14 8
                                    

[Aisel's POV]


Magkahawak kamay kami ni Luhan na pumunta sa dining area. Ang laki talaga ng bahay nila..

Naka simple blue dress ako ngayon na above the knee ang length. Si Luhan ang nag-abot sa'kin nito, hindi ko alam kung saan lupalop ng bahay nya 'to kinuha.. My hair was in a messy bun but not that bad.

Pagkapunta namin ng dining area ay nakahain na ang mga pagkain. Woah! May party ba? Ang daming pagkain!

"Ow. Nandito na pala kayong dalawa! Finally naisipan nyo rin bumaba ano?" sabi ng Mama ni Luhan and I gave her an apologetic smile..

Si Luhan naman tamad na tamad lang ang pagmumukha, and I could see him rolling his eyes.

"At ano ba ang ginawa nyo sa taas at ang tagal nyong bumaba?.." binigyan ni Mrs. Perez si Luhan ng malisyosong tingin.. "Hmm.. Kyle Luhan umayos ka dyan ah.." agad naman nag-init ang mukha ko at nag-flash back sa'kin kung ano ginawa namin ni Luhan kani-kanina lang. Ergh bigla tuloy ako nahiya kay Luhan >_<

Ito namang si Kyle Luhan ay parang walang narinig at hinila ako para maupo na sa tapat ng lamesa. Napaka-galang nya pala sa magulang.

"Aisel, don't hesitate to tell me kung ano pinaggagawa sa'yo ni Luhan huh? Kanina lang nakita nyo naman itsura nyo, para kayong mga taong putek na dalawa dahil sa kalokohan nito.."

Natawa naman ako haha!

"Ohmygaaaaaaaaaaaaaaaaaash!!!" nagulat ako nang marinig yung sumigaw na yun. Sabay-sabay kaming napalingon dun sa babaeng sumigaw.

"Ohmygassssssh!! Nawawala yung blue dress ko!!" papalapit sa'min yung babae na may lampas balikat yung mahaba at wavy nyang buhok na color chestnut at meron siyang suot na headband na pink na medyo malaki ang ribbon sa gilid. Siya ba si Mini Mouse? Chos. Pero ang ganda nya. Hindi eh, ang dyosa nya.

Pero teka, kaano-ano siya ni Luhan?

Halos hindi maipinta ang mukha nya pagkalapit sa'min dahil sobrang inis talaga ang itsura nya, yung tipong mananapak mga ganun.

"What's the matter again, dear?" Mrs. Perez asked nonchalantly sabay subo nung kinakain nya.

"Yung blue dress ko!!!!" sagot sa kanya nung mukhang koreanang babae.

"Aba malay ko?! Saan mo ba gagamitin yun?!" tanong muli ni Mrs. Perez.

Nilagay nya yung isang kamay nya sa noo nya na naiinis pa rin. Hindi rin siya mapakali sa kinatatayuan nya.

"I need that blue dress right now!!" pagmamaktol nya.

"Teka, bakit mo ba sa'kin hinahanap yang blue dress mo?! Hindi ko naman susuotin yun! Saan mo ba kailangan yun?!"

"I need to change my profile picture on facebook, and I won't be able to create a new one without that blue dress so I need it now!!! Ang konti lang ng nag-like ng previous profile picture ko so I need to change it and I need to look amazing you know.." she ranted.

Napalingon siya sa pwesto namin ni Luhan..

"Ikaw? Naki-" naputol ang tanong nya kay Luhan nang mapunta ang mga tingin nya sa'kin at napanganga siya nang makita ang suot ko. Shocks. Eto ba yung blue dress na hinahanap nya?

"Who are you?!" she asked, surprised.

Napalingon siya kay Luhan pero si Luhan ay cool lang na nakaupo sa upuan nya at kumakain. Ang sama ng tingin nya kay Luhan, parang na-realize nya na kung bakit nawala yung blue dress nya.

Kitang-kita ang inis sa mukha nya habang nakatingin siya kay Luhan. Parang bubugahan nya na ng apoy si Luhan

"Luhan!! what do you--"

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon