Chapter 78: Last Kiss

327 13 79
                                    





[Aisel's POV]



"Pero pwede ka bang sumama muna sa'kin ngayon, Aisel? Please.."


Again, naguluhan na naman ako sa kanya. Ano ba kasing inaarte niya dyan?! Bakit ayaw niya na lang ako diretsahin?!


"Why should I?!" irita kong tanong. "Matapos mong kwestiyunin ang pagbabalik ko, gusto mo na sumama ako sa'yo?! Alam mo Allison, alam ko naman na hindi tayo magiging magkaibigan e, but you know what? hindi rin pumasok sa isip ko ang maging kaaway ka. Pero matapos ng mga sinabi mo sa'kin, mukhang hindi nga tayo magkakasunduan."


Napaiwas siya ng tingin sa'kin. "Alam ko naman na hindi tayo magkakasundo sa una pa lang. Dahil iisa lang ang lalake na minamahal natin.." mahina niyang pagkakasabi but full of emotions.


"I'm sorry, pero ikaw na lang ang nagmamahal sa kanya. Hindi ko na siya mahal, kaya magsama na kayo.." mahinahon kong sabi at gulat na napatingin sa'kin si Allison. Ano? Masaya na ba siya sa sinabi ko? Diba yan lang naman ang gusto niyang marinig sa'kin?!


I sighed, defeated. Dahil hindi siya nagsasalita at nararamdaman ko na naiinis na talaga siya sa'kin, ako na lang ulit ang nagsalita. "O ayan na Allison, nasabi ko na ang gusto mong marinig galing sa'kin. Pwede na kayo maging masaya ni Luhan. I already forgot about him, same with how I feel about him, kinalimutan ko na lahat yan noong nasa Greece ako, kaya wag kang mag-alala na guguluhin ko pa kayo. Huwag mong ikabahala ang pagbabalik ko dahil ako na mismo ang lalayo.. Kaya huwag mo ng sayangin ang luha mo sa'kin para dramahan ako.."


Matapos kong sabihin yun ay tinalikuran ko ulit siya at naglakad na.


"Buti ka pa.. Buti ka pa tuluyan na siyang kinalimutan.. Samantalang si Luhan, ikaw at ikaw pa rin ang iniisip hanggang ngayon.."


Napahinto ako sa paglakad dahil sa sinabi niya. Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko.


I turned again to look at her.. "W-what are you talking about? Hindi ako naniniwala sa'y--"


"Hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?!" she bloated.


Umiling-uling ako dahil hindi naman talaga ako naniniwala. Ayan ang isa sa mga bagay na mahirap paniwalaan lalo na't galing sa kanya.


"Ako? Iniisip pa rin ni Luhan hanggang ngayon? Nagpapatawa ka ba? Tatawa na ba 'ko?!"


And I can almost see on her face na lalo siyang nainis sa sinabi ko. Wag kaming naglolokohan dito! Mahirap na 'kong mapaniwala ng kahit sinong tao ngayon sa mga sinasabi nila matapos ang lahat ng pinagdaanan ko. I trust no one.. 

Hindi na 'ko yung dating Aisel na basta-basta na lang umiiyak, yung Aisel na walang ginawa kung hindi umasa at panghawakan yung mga pangakong binibitawan sa kanya. Hindi na ako yung Aisel na basta-basta na lang nagtitiwala, dahil wasak na wasak na ang kakayahan ko para magtiwala pa sa kahit sino. Sa sobrang pagod na 'kong masaktan, unti-unti ng naging bato ang nararamdaman ko, lalung-lalo na kay Luhan, kaya nga wala na 'kong pakeelam sa kanya!

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon