Chapter 52: Kiss and Make-up

334 23 4
                                    

[Aisel's POV]

Inilapit ulit ni Luhan ang mukha ko sa kanya pero biglang..


*BELLS RINGINGGGG*


Ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay.


"Kainis naman. Di pa natuloy."


Bumulong siya pero di ko narinig.


"Huh? Ano sabi mo?"


"Wala. Tara na dun sa room" sabi nya.


Joke lang. Narinig ko yung binulong nya! Kakahalik lang sa'kin tas di pa nakuntento sa isang halik? Napangiti na lang ako habang diretso kaming naglalakad ng magkahawak ang kamay.


"Ba't ka nangingiti dyan?"


Biglang nagbalik sa realidad ang utak ko nang marinig ko ang boses ni Luhan kaya napatingin ako sa kanya.


"W-wala.. B-bakit? Masama ba ngumite?!" tanong ko.


"Hinde. May nakita ka bang gwapo kaya ka ngumingite?" tanong nya. Yung itsura nya parang nagseselos na ewan. Tas yung kilay nya parehas nakataas. Hala!


"W-wala ah!" sabi ko.


"Ba't ka nauutal?!" sabi nya.


Hala! Ano meron sa boyfriend ko?! Parang sa kanya nalipat yung mens ko ah?!


Alam ko na! Siguro kaya biglang nagsungit 'to dahil hindi natuloy yung pangalawang kiss kanina?! Hahahaha! Wait nga..



*chup*



O_____O <---- itsura nya.


^_____^ <---- itsura ko.


"Yan ang gusto mo diba? O ano? Magsusungit ka pa?" tanong ko sa kanya. Hinalikan ko kasi siya sa pisnge kaya nagulat siya! XD


Bigla nyang ni-side view yung mukha nya sa'kin. Ano yun?


Tas nilapit nya sakin habang naka-side view pa rin mukha nya.


"Sa kabilang pisnge naman please.." sabi nya.


Inilapit ko yung mukha ko sa kanya kaya pumikit na siya..


"Later na lang.. Okay?" sabi ko sabay hila na sa kanya papuntang room. Ano ba tong boyfriend ko! Kaka-ring lang ng bell, yung ibang estudyante nagkakanda-ugaga na sa pagtakbo sa kanya-kanya nilang room pero itong boyfriend ko, kiss pa rin ang inaatupag! Hanep ah!

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon