Chapter 47: THE MOST AWAITED MOMENT

637 28 12
                                    

[Aisel's POV]


'Ano, Aisel? Ganyan ka na lang? Birthday na birthday mo umiiyak ka? Wala ka na ba talagang ibang gagawin kundi ang umiyak?' paulit-ulit na panenermon sakin ng utak ko.

"Aisel, buksan mo na 'tong pinto! Please!!" patuloy na tawag sa'kin ng mga kaibigan ko habang kinakatok ang kwarto ko. Gusto ko muna mapag-isa ngayon.

"Aiselita, alam mo naman na mapag-ubaya akong kaibigan, kaya sige na, ikaw na talaga ang mas maganda sa'kin. Please lang, open the door!" - Rachel.

"Selly, hindi ko kayang sabihin na mas maganda ka sa'kin kasi alam mo naman na hindi ako marunong magsinungaling. Sige na, buksan mo na 'tong pinto!!" - Trixie.

"Bes, tama na, wag mo na iyakan si Luhan, kahit anong iyak pa ang gawin mo dyan, hindi ka mahal nun! Kaya buksan mo na ang pinto!" - Angel.

"Oo tama! Wag mo na iyakan si Luhan! Hindi ka mahal nun!" - Rachel.

"So true! Stop wasting your tears on him, walang forever! Hindi ka mahal nun!" - Trixie

Yung alam nyo yung gusto kong lumabas ng kwarto na 'to para ingudngod ko isa-isa yung mga kaibigan ko na nangugulit sa'kin ngayon! Kesa patahanin ako, lalo akong pinapaiyak! Hindi daw ako mahal ni Luhan? Tatlo pa silang sunud-sunod na nagsabe?! Triple kill yun huh?!

After ng ilang ulit na pagtataboy ko sa kanila ay tuluyan na silang umalis. Buti naman. Kase lalo lang ako naiiyak sa mga sinasabi nila, at isa pa, ayokong makita nila 'kong ganito.Ngayon lang nangyari sa buong buhay ko na wala akong ginawa kundi mag-iiyak sa isang espesyal na okasyon sa buhay ko.

Ewan ko kung ano ang pumasok sa utak ko pero kasalukuyan akong nagta-type ng text message para kay Luhan..

**

To Luhan:

Thank you for not attending my party.. Be happy, Luhan..

**

Sent.

Hindi na ko maghahangad ng reply nya dahil alam ko hindi nya papansinin yun dahil masaya na siya ngayon kay Ashley.

"Aisel? Nandyan ka ba? Can we talk?" narinig ko ang boses ni Xiumin mula sa labas ng kwarto ko.

"X-xiumin, sorry huh? Pero pwede bang umalis ka muna? Gusto ko lang talagang mapag-isa ngayon." sabi ko mula sa loob ng kwarto ko.

"May gusto sana akong sabihin sa'yo, baka sakaling magpagaan ng loob mo.." he said.

"Kung tungkol rin lang kay Luhan yan, wag na lang.. Umalis ka na lang muna.."

Hindi ko na ulit narinig ang boses ni Xiumin. Mukhang bumaba na siya.

"Aisel, nung Anniversary namin noong isang linggo, alam mo bang may surpresa si Luhan sa'yo nun?"

Muli kong narinig ang boses ni Xiumin. Mukhang disidido nga talaga siyang kausapin ako kahit pinapaalis ko siya.

At ano ang sinabi nya? Surpresa sa'kin ni Luhan? Parang ang hirap naman maniwala dyan.

"Surpresa? Mukhang malabo nya naman gawin sa'kin yun, Xiumin."

"Naikwento nya sa'kin yung pagtatapat na ginawa mo noong masquerade ball sa school.."

Napakunot ang noo ko. Eh daldal naman pala ng snowman na yun eh! =__=

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at lumabas para kausapin si Xiumin.

Naupo ako sa gilid ng empty hallway at sumandal sa pader. Naupo rin si Xiumin sa tabi ko.

"At naikwento nya pa talaga sa'yo ang tungkol dyan huh? Nakakahiya tuloy." sabi ko.

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon