Chapter 44: The Hot Celebration

595 33 7
                                    

[Aisel's POV]

2am na, pero hindi ko pa rin ramdam ang antok. Buti na lang at Biyernes ngayon kaya walang pasok kinabukasan. Kanina pa ko nakahiga sa tabi ni Hance na natutulog. Napakahimbing ng tulog nya, samantalang ako, hindi mapakali sa hinihigan ko ngayon.

I put my fingers on my lips. Patuloy pa rin ni-rerecall ng utak ko ang biglang paghalik sa'kin ni Luhan, ramdam na ramdam ko pa rin ang mga labi nya sa labi ko. Totoo ba talaga yung nangyari kanina? Muli na naman akong napangiti. Kinikilig ako! >///<

Biglang nag-vibrate ang phone ko. Sino naman ang magtetext ng ganitong oras? Hindi pa rin ba ko titigilan ni 5555? Hindi na nga ako nagloload eh! Panira ng moment!

Irita kong kinuha yung phone ko na nakapatong sa side table ng kama ko at tinignan yung message.

** 

Unregistered #:

        Do you know you're my miracle? Goodnight, Destiny..

**

Kahit hindi ko na itanong kung sino ang nagtext na 'to. Kilalang-kilala ko na siya. The only jerk who keeps on calling me the name I really hate!

 Do you know you're my miracle? Goodnight, Destiny..

I found myself grinning again like a fool. Lalabas na ata ang puso ko mula sa kaloob-looban ng dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Ugh. This guy >///<

Ano bang pinapahiwatig nya? Maaari kayang may nararamdaman na rin siya para sa'kin?

Do you know you're my miracle? Goodnight, Destiny..

Halos hindi na maalis ang mga mata ko sa message na yun kasabay ng mga ngiti sa labi ko.

**

To unregistered #:

        Then i'm lucky to be your miracle. Goodnight, Luhan..

**

Sent.

Errgggghh kinikilig ako!!

I received a reply in an instant. Woah!

**

From unregistered #:

       You must be sleeping right now.. Gusto na agad kita makita bukas.. Wag ka na mag-reply, ok? Goodnight.

**

Sige nga, paano ako makakatulog kung ganyan ang mga text messages nya sakin?!

Gusto na agad kita makita bukas.

Shzzz Luhan why are you doing this to me??! >///<

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon