Chapter 62

205 12 37
                                    


[Aisel's POV]


"Hija, ginulat nyo ako sa biglaang pagdating nyo.. Hindi ko tuloy kayo napaghandaan ng espesyal na pagkain.." sabi ni Manang Lourdes, natatandaan nyo pa ba siya? Siya yung isa sa mga nag-aalaga sa mga bata dito sa orphanage.. Tanda nyo pa ba nung huli kaming pumunta ni Luhan dito? Diba nasa isang gilid lang siya at ayaw nyang may lumalapit sa kanya ng bata..


Pero ngayon, hulaan nyo kung nasan siya.. Nandun! Kasama si Jepoy.. Si Jepoy, natatandaan nyo pa rin ba? Yung isa mga bata dito sa bahay-ampunan..


"Okay lang po yun, Manang.. Sa susunod magsasabi na po kami.. Bigla na lang kasi ako inaya ni Luhan na pumunta dito eh.." Oo. Tama ang narinig nyo. Si Luhan mismo ang nangulit sa'kin na pumunta kami dito. Ano kayang nainom nyang gamot?


Matapos namin magkamustahin ni Manang ay pinuntahan ko kung nasan si Luhan at si Jepoy. Nadatnan ko sila sa may playground.. Pero di gaya ng ibang bata, hindi naglalaro si Jepoy, nandun sila ni Luhan sa may grass na may nakalatag na banig at naka-indian sit.. May mga papel, lapis at mga krayolang nakapalibot sa kanilang dalawa..


Mukhang tinuturuan ni Luhan yung bata sa skul..


Napangiti ako. Nakikita ko na naman kay Luhan ang pagiging Daddy kapag may mga kasama siyang bata.. 


Nilapitan ko sila..


"Pwede ba kong sumali?" sabi ko sa kanilang dalawa sabay upo dun sa banig..


Parang may biglang itinago si Jepoy na papel sa bulsa nya..


"Hmmm.. Ano yan?" I asked suspiciously..


"W-wala po! Secret po namin yun ni Kuya Luhan!" tanggi nya sa'kin..


"Patingin naman ako? Ano yang nakalagay sa papel.." I insist the child playfully..


"Secret na namin yun.. Wag kang epal dyan.." sabi ba naman sa'kin ni Luhan!


Pinalo ko siya sa balikat.. "Ito! Yung salita mo! May bata o!" >__< I scolded to Luhan.


Natawa lang siya pero inirapan ko lang siya..


"Ate Aisel, wag ka na pong magalit kay Kuya Luhan.. Tignan nyo na lang po ito.." sabi sa'kin ni Jepoy sabay may pinakita siya sakin na drawing na nakalagay sa isang short bond paper..


"Ito ka po, Ate Aisel, ito naman si Kuya Luhan.." turo nya dun sa drawing.. Simpleng drawing lang yun na magkahawak-kamay ang babae at lalake. Sabi nya kami raw dalawa yun ni Luhan..


"Ito naman dalawang bata na nasa gilid, ako po yan at si Hance.. Naglalaro po kami dyan.. Tas kayo naman ni Kuya Luhan, nandito lang sa gilid at pinapanood kami.."


Sobra akong napangiti sa description niya sa drawing. 


When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon