Chapter 77

225 12 76
                                    


[Aisel's POV]


Pagkatapos ng isang buong araw na bonding ko kasama ang EXO ay gumising ako ng maaga dahil kami namang magkakaibigan ang gagala.

Infairness sa kanila, wala ng nagtatakang magtanong sa'kin about kay Luhan. Kung nakalimutan ko na ba siya, kung may nararamadaman pa 'ko sa kanya. As in wala. Hindi nila ako iniintriga. Halos wala ngang bumabanggit sa pangalan ni Luhan kahapon habang nagba-bonding kami. Alam na alam talaga nila.

Sabagay, kahit naman i-bring up nila sa usapan si Luhan ay hindi na 'ko maaapektuhan.


Pero bakit may part sa'kin na nagsasabing gustung-gusto ko siyang makita?


Naputol ang pag-iisip ko nang ginulat ako ng tunog ng doorbell dito sa condo unit. Sino ba naman ang pupunta dito ng ganito kaaga? Unless kung nagpa-deliver sila ng foods.


Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang makita si Xiumin. Nakangiti siya at itinaas niya yung hawak niyang paper carton na parang may lamang pagkain.


"Good morning." He greeted and smiled. Kaya't napangiti rin ako.


"Good Morning, Xiumin"


Pinapasok ko siya at inilapag ko ang mga dala niya sa dinner table namin.


"Ikaw huh. Hindi ka na bumalik kahapon. Nakakatampo ka." sabi ko sa kanya.


"Sorry na talaga. Importante lang kasi yung pinuntahan ko e. Kaya ang aga ko ngayon dito para bumawe. Hehe." Sumandal siya sa sala set. Yung kaninang maliwanag na ngiti ng mukha nya ng pumunta siya dito ay biglang naging seryoso at nakita kong unti-unti itong nag-aalala.


Kaya ako ngayon ang mang-iintriga sa kanya. Huehue.


"So, I think there's something I should know about you and Allison." I gave him a teasing look and smiled playfully.

At yung kaninang nag-aalalang expression ni Xiumin ay napalitan ng pagkabigla na expression kaya mas lalo ko siyang nginitian ng nakakaasar. May kailangan talaga aminin sa'kin 'tong lalake na 'to!

"Uy mali ka ng iniisip, Aisel hahah, wala akong aaminin sa'yo tungkol samin ni Allison dahil wala naman talaga." tanggi niya. Nako hindi na uso ang pagde-deny sa'kin.

"Sige na, Xiumin, sabihin mo na sa'kin! Tayong dalawa lang naman ang makakaalam eh." pilit ko sa kanya. Wala naman talaga akong pagsasabihan, tapos ilang araw lang aalis na 'ko, so, hindi ko na yun makukwento sa mga bruhilda.

Natatawa-tawa lang si Xiumin kaya natatawa din ako. "Sige na kaseeeeee!" pilit ko.


"Wala kang makukuha sa'kin hahaha" sabi nya.


"Sige na wag ka ng mag-denyyyy!" pilit ko pa rin.


"Wala 'yun, may Luhan na 'yun--" bigla siyang napatigil sa sinabi nya at tinakpan ang bibig. Bigla naman naging seryoso ang expression ko. "S-sorry"


Ugh. Akala ko successful yung ginawa kahapon na hindi pagbanggit sa name niya pero si Xiumin pala ang babanggit.

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon