Chapter 76

217 10 59
                                    




1 year and 4 months later..



[Kai's POV]  


"Sipain mo yung bola!!!!" sigaw ko kay Sehun at agad niya naman sinipa ang bola.


"Wahahahaahahahah!" natawa kami nang tamaan si Chanyeol ng bola. Si Baekhyun naman ay halos napahiga na sa field kakatawa. Yung itsura kasi ni Chanyeol nung tamaan ng bola! Ang epic! XD


"Hahahaha ang bobo ni Sehun sumipa!" sigaw ni Chen habang tawang-tawa rin.


Hindi naman kasi kami marunong maglaro ng football kaya eto, puro kalokohan lang ang ginagawa namin ngayon sa field sa school, nagkakalat kami ng katangahan sa pagpu-football ngayon dito sa field. Ewan ko ba kung bakit naisipan ng mga loko na 'to na maglaro ng football sa napakataas na sikat ng araw. Nagmumukha kaming gago dito sa field. Ang init init pa.


Pero enjoy naman! Tuwang-tuwa kami sa mga kalokohan namin e.


Syempre, hindi papayag 'tong Chanyeol na 'to na hindi makakaganti kay Sehun. Kaya sinipa niya rin ang bola, pero ang tawa ng tawa na si Baekhyun ang tinamaan. 


"Wahahahaahahahah!!!" hagikgik ni Tao.


Ngayon lang nagsabay-sabay ng ganito ang mga schedule namin since iba-iba na kami ng course na kinukuha pero sa iisang University pa rin. At dahil wala kaming magawa, dito sa field ang bagsak naming onse. Oo, onse lang kami, at kung tatanungin nyo 'ko kung bakit hindi namin kasama si Luhan, wala ako sa lugar para ako ang magsabi. 


Pero sa ngayon ay panigurado na tulug na tulog pa ang isang 'yun. Hindi na nagsawa kakatulog yang si Luhan tsk tsk anong oras na. Pupuntahan namin, tulog, tapos babalikan namin, tulog pa rin. Paano na ang social life ng isang 'yon?


May matinding pagsubok ang napagdaanan ang barkada at aaminin ko na ngayon lang ulit kami nakapag-bonding ng ganito after few months.


Narinig kong may tumatawag sa phone ko kaya nag time-out muna ako sa 'soccer kuno' namin para kausapin yung tumatawag.


"Nandito na 'ko, nasaan ka na? Late ka na naman kaya dalhan mo 'ko ng doughnut at ice cream pagdating mo dito ah!"


"Hahaha! Ay oo nga! Sorry na babes, papunta na 'ko dyan, dadalhan kita ng doughnut at ice cream kahit hindi mo sabihin, hintayin mo 'ko, papunta na 'ko ngayon--"


"Bilisan mo naman babes! may sasabihin ako sa'yo dali!!" 


"Oo na, eto na, naglalakad na ko palabas ng school, wait mo 'ko, i love you!!"


"O-oo na! I-i love you too!!" *toooot*

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon