Chapter 42: Love Confession

649 25 10
                                    

[Aisel's POV]

I kissed him while he's on a deep sleep..

Ngunit biglang huminto ang ikot ng mundo ko sa sumunod na nangyari..

Ang pangyayari na hindi ko inaasahan.

Ang pangyayari na hindi ko man lang naisip bago ko nakawan ng halik ang lalaking to..

Ang dahan-dahang pagdilat ng mga mata ni Luhan..

Shit.

Bigla ko iniwas ang tingin ko.

"D-destiny... Y-you just.. K-kissed me?"

Pautal nyang tanong sa'kin. Ano ng gagawin ko?! Bakit ko pa kasi siya hinalikan?! Sobrang nagsisisi na talaga ako! Nakakahiyaaaa! >_<

"Destin--"

Hindi ko pinakinggan pa ang sumunod na sasabihin ni Luhan dahil agad kong binuksan ang pinto at saka naglakad ng mabilis.

Hindi ko na siya kayang harapin! Ang tanga tanga ko talaga!! Bakit ko ba nagawa yun?! >__<

"Destiny!"

Hindi ko pinapansin ang tawag nya basta't naglalakad lang ako ng mabilis..

Pero may biglang humawak sa braso ko dahilan ng pagkahinto ko sa paglalakad at pagkakita ko ay si Luhan kaya't napaiwas agad ako ng tingin.

Hindi ko siya kayang harapin. Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko na kayang tignan ang mga mata nya na tulad kanina. Ang gusto ko na lang ngayon ay lumubog sa matigas na lupa na inaapakan ko ngayon.

"Destiny.."

Nanatili lang akong nakayuko. Ayokong makita ang mukha nya. Takot akong malaman kung ano ang reaksyon nya sa katangahang ginawa ko kanina.

"D-destiny.. Bakit mo ko hinalikan?"

Kanina pa itong kaba ko. Pero mas matindi ang kaba ko ngayon, parang gusto ng sumabog ng puso ko sa sobrang pagsikip nito..

Titingin ba ko sa kanya?

"Destiny!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Luhan.

Ngayon alam ko na na mali talaga ang ginawa ko..

Dahil galit siya..

Unti-unti kong inangat ang ulo ko para tignan ang mga mata nya. Kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko..

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon