Chapter 7: Phone Call

883 25 1
                                    

[Chanyeol’s POV]

Nandito kami ngayon sa condo nila Sehun. Every Friday, lagi kaming nagpupunta sa condo ng bawat isa samin.

Naglapag si Kai ng mga snacks sa sala table.

“Luhan dude, may communication pa ba kayo ni Ashley?” tanong ni Tao kay Luhan. Talaga ‘tong si Tao ang hilig magbring-up ng mga topic na masyadong maselan na para pag-usapan.

Tumingin sa kanya si Luhan. Medyo matagal rin bago siya nakasagot.

Umiling lang siya.

“May balak pa kaya siya bumalik dito sa Pinas” tanong samin ni Tao.

Walang isa samin ang sumagot.

Di talaga nag-iisip tong kumag na ‘to.

Si Ashley. Siya yung ex-girlfriend ni Luhan. Naghiwalay sila nung mga 1st year high school pa kami. Bigla na lang siyang umalis ng hindi nagpapaalam sa kahit isa samin, kahit kay Luhan. Kaya ewan ko rito kay Tao ba’t naisipan magtanong ng ganun kay Luhan. Pero sa nakikita namin, mukhang di pa rin nagbabago ang nararamdaman ni Luhan para sa kanya.

Naputol ang katahimikan ng magsalita si Baek.

“Kyungsoo ba’t parang lagi mo ng tinitignan yang cellphone mo at gabi-gabi na lang lagi kang may ka-text?” tanong ni Baekhyun. “May nililigawan ka no?! Kwento naman dyan!” :D

“Oo nga, di na maalis yang tingin mo sa cellphone mo!” :D singit ni Xiumin

“Haha hoy kayo tumahimik nga kayo dyan. Wala ‘to no” sabi nya ng namumula

“Wala eh bakit ka namumula dyan?” – chen

“Ang kulit nyo ah. hahaha” – kyungsoo

“Magkwento ka na!” – ako

“Wala nga” :D

Ewan.

[Aisel’s POV]

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon