Chapter 38: Terrible Plan

571 24 9
                                    

[Aisel's POV]

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!!" 

Inis kong tanong kay Luhan habang hinahalo itong juice na sapilitan nyang pinatimpla sa'kin! Nakaupo siya ngayon dyan sa silya sa dining table. Mabuti na lang at tulog pa yung tatlo! Kung hindi, aasarin na naman nila ako pag nakita si Luhan.

"Wala lang, gusto lang kitang puntahan. Bakit? Masama ba?"

"Oo masama! Nakakamatay!! Kaya kung ako sa'yo, umuwi ka na!!" >_<

Tinawanan nya na naman ako. "Mas lalo mo kong pinagtatabuyan, mas lalo ko lang gustong makita ka ngayon."

Yung mabigat na kamay kong hawak yung kutsara habang naghahalo ng juice, biglang gumaan at napahinto. Bumilis rin ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Ano ba yan Luhan? Dinadaan mo na naman ako sa mga salita mo! Lalo lang ako nahuhulog! >_<

Matapos ko siyang itimpla ay pumanhik muna ako sa kwarto para maligo at magbihis dahil maya-maya lang ay darating na yung susundo sa'kin papunta sa ampunan.

Chineck ko ang itsura ko sa salamin dito sa kwarto ko. Maya-maya'y may narinig na 'kong nag-door bell. Malamang ayun na ang sundo ko. Pupunta na sana ako sa gate nang matanaw ko si Luhan mula rito na may kinakausap sa gate.

Dali-dali akong lumabas para puntahan si Luhan. Hala! Baka kung anu-ano na pinagsasabi nun sa sundo ko!! >_<

Pero nang makarating ako, wala na yung kausap nya! Wait! Diba yung sundo ko yun?! Bakit umalis na?!! >_<

"Anong sinabi mo sa kanya?!" galit kong tanong kay Luhan.

"Sabi ko may lakad tayo kaya pinaalis ko na! Sino ba yun?! Nanliligaw ba sa'yo yun?!"

Inis kong kinamot ang ulo ko at parang batang nagtatatadyak sa kinatatayuan ko.

"Baliw ka ba Luhan?! Nagpasundo ako doon dahil may importanteng lugar akong pupuntahan ngayon! Bakit mo pinaalis?! Nakakainis ka talaga!!" >o<

Hindi ko pa naman alam kung paano pumunta doon! Sobrang tagal na nang dati akong nakapunta kaya nakalimutan ko na yung daan! Gusto ko pa naman bisitahin na yung mga bata dahil namimiss ko na sila!

**

Bagot akong bumalik dito sa living room. Nakaupo lang ako na nakapangalumbaba.

Inaya kasi ako ni Luhan na mamasyal sa ibang lugar which is yun pala ang dahilan kung bakit siya pumunta dito kaya lang, nang pilitin ko siyang pumunta na lang kami sa bahay-ampunan, ayaw nya! Kaya heto ako ngayon at nagmamaktol!

"Hindi ako pupunta kahit saan ngayon pwera na lang dun sa bahay-ampunan!" pagpupumilit ko.

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon