Chapter 49: Before the Special Day Ends.

353 20 10
                                    


[Aisel's POV]



Napapatingin sa'kin si Luhan sa dahang-dahang paghigpit ng pagkakahawak ko sa kamay nya, pero alam ko, ang buong atensyon nya ay nasa Papa ko na rin.


Tulad ko, naramdaman kong humigpit rin ang pagkakahawak nya sa kamay ko, at dahil sa ginawa nyang yun, mas lalo akong nakakuha ng lakas ng loob.



"Aisel, sagutin mo ko! Sino siya?!" Halos lumabas na ang puso ko sa gulat ng tumaas na ang boses ni Papa. Hindi siya makapaniwala sa nakikita nya ngayon na magkahawak naming kamay ni Luhan..



"P-pa-"



"Good Evening, Sir."



Naputol ang sasabihin ko nang batiin ni Luhan si Papa sabay vow pa nito.



"I'm Kyle Luhan Perez, boyfriend po ako ng anak ninyo." pagkakasabi ni Luhan ng nakayuko at para na rin pagbibigay-galang sa Papa ko.


Katahimikan. Ang tagal bago magsalita ni Papa. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha nya pero sa likod ng eyeglasses na suot nya ay may matang hindi makapaniwala sa nakikita nya, kasabay nun ay ang magkasalubong nyang mga kilay. Parang anytime, pwede siyang mag-burst ng masasakit na salita sa'min ni Luhan.


Hindi pa rin nagsasalita si Papa nang bigla ulit magsalita si Luhan.

"Sir, wag po kayo mag-alala, hindi ko po siya pababayaan. Mahal na mahal ko po ang anak nyo. Siya po ang buhay ko, kaya please po, wag nyo po siya ilalayo sa'kin.."


Alam nyo yung nasa sitwasyon ka na sobra kang nilalamon ng takot, pero at the same time, sinabi yan ng taong mahal mo, hindi lang sa'yo kundi sa parents mo, sinong hindi kikiligin? That is just a sign of Luhan's sincerity to me. Ang hirap magpigil ng ngiti ngayon pero kailangan pigilin dahil hindi ito ang tamang oras para kiligin.


Katahimikan. Hindi pa rin nagsasalita si Papa. Habang pinapatagal nya ang hindi pagsagot ay mas lalo akong natatakot para sa'min ni Luhan.

Habang nakayuko kami ni Luhan ay naramdaman naming papalapit sa'min si Papa. Parang slow motion ang paglapit nya sa'min.



Susuntukin nya ba si Luhan? Sasampalin nya ba ko?


Huminto siya sa harap namin..


Ramdam na ramdam ko ang kakaibang aura na bumabalot sa Papa ko.


Eto na. Ihahanda ko na ang sarili ko..


Pumikit ako ng mariin habang nakayuko at hinawakan mabuti ang kamay ni Luhan. Hinihintay ko ang sampal na ibibigay sa'kin ng Papa ko.


When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon