Chapter 79

368 15 104
                                    


Dedicated ang chapter na 'to kay Bby Sasseumi/Jean. Sorry bby ngayon ko lang na-UD huhu T-T




[Aisel's POV]


1 year later..


"Ma'am, coffee or tea?"


"Coffee.. Thanks." sagot ko sa isang waiter na nagtanong sa'kin dito sa coffee shop.


Nagbalik ulit ako dito sa Pilipinas and no one I informed about it. Hindi ko muna pinaalam sa mga kaibigan ko na nandito ulit ako. Wala lang, ayoko lang ipaalam. Family ko lang ang nakakaalam.


Ganito lagi ako, pabalik-balik dito sa Pilipinas mula sa Greece, every holidays ay umuuwi talaga ako dito.


Dito sa coffee shop ang diretso ko pagkarating na pagkarating ko sa Pinas. Parang ayoko muna magpakita sa kahit kanino.


1 year na ang nakalipas pero ganun pa rin ang sakit na nararamdaman ko simula nang iwan niya ko.


After kong tumambay sa coffee shop ay sumakay ako ng taxi para may daanan saglit dahil may gustung-gusto akong puntahan at bisitahin.


"Manong, sa sementeryo po.." sabi ko sa taxi driver..


Pagkarating na pagkarating ko sa puntod niya ay nag-sign of the cross ako at nagdasal saglit..


It's been 5 months since he passed away..


"I miss you, Lolo." sabi ko habang tinititigan ang lapida niya. Nalulungkot ako para sa Lola ko dahil naging sobrang sakit sa kanya ang paglisan ni Lolo. They've been together for 50 years, kaya sino bang hindi sasakit ang loob kapag nawala sa'yo ang tao na nakasama mo na sa hindi biro na haba ng panahon.


After visiting my Lolo ay dumeretso ako sa ampunan..


Ilang years rin bago ulit ako nakapunta dito. Ano na kaya ang itsura ni Jepoy? Malaki na kaya siya? Pinagbubutihan niya ba ang pag-aaral niya?


Si Manang Lourdes na nagwawalis sa bakod ng ampunan ang nadatnan ko.


"Manang Lourdes!" masaya kong sigaw sa kanya at napalingon siya sa'kin habang papalapit ako sa kanya at niyakap siya.


"Aisel? Ikaw ba yan?" tanong niya sa'kin at medyo natawa ako sa sinabi niya.


"Opo haha!" sagot ko.


"Hindi kita gaanong namukhaan, hija, lalo kang gumaganda." nakangiti niyang sabi sa'kin.


"Manang naman e, wag mo na 'ko binibiro. Hehe. Pero thank you po."


When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon