Chapter 74: Sad, Beautiful, Tragic

255 11 50
                                    


Dahil sabog ang wattpad notif ko dahil sa kanilang dalawa, dedicated sa inyong dalawa 'tong chapter na to. hahaha My bby Adele and bby Des ♥♥:*

2 consecutive days ang update yayks nagpa-function ng maayos ang imagination ko ngayon at ang bilis nya! Haha <3



[Aisel's POV]

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, nakasuot ako ng jeans at sweat shirt and my hair was in a neat bun. Ready na sumabak sa paglamon mamaya.


Nakaka-excite! Ano kaya ang menu doon sa restaurant na pupuntahan namin ni Liam? Nagugutom na 'ko. Hehehe!


"Anong klaseng suot yan?! Ganyan ba ang suot ng makikipag-date?!" sabi ni Angel.


Nalukot naman ang mukha ko sa sinabi nya. "Oy! Anong date ka dyan? Kakain lang kami sa labas ni Liam!" tanggi ko.


"Kakain sa labas?! Hindi ba date ang tawag dun?!" sabi ni Angel.


"Hindi date yun!"


"Date yun!"


Aba ayaw magpatalo ng babaeng to ah!


"Ang cheap na suot mo! Wait.." tumayo si Angel may kinuha sa closet namin. "Itong dress ko na lang ang suotin mo--" natigilan siya sa sinasabi nya nang makita ang 'ayokong-suotin-yan' na mukha ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo, susuotin mo 'to! Simple lang naman itong dress eh." pilit nya sa'kin.


At syempre, kailan ba 'ko nanalo sa mga kaibigan ko? Wala na akong nagawa kung hindi suotin yung dress. Hmm. Bagay naman pala sa'kin. Nilugay rin ni Angel ang buhok ko at ginawa niya itong medyo wavy tignan. Nilagyan nya rin ako ng lighter na make-up para naman daw hindi mahalata ang stress ko sa buhay.


"Aiselita, I'm so happy for you.." touch na touch na sabi ni Angel.


"Huh?"


"Wala. Sige na, bumaba ka na, hinihintay ka na ng sundo mo."


Napangiti naman ako. Aaminin ko, dahil kay Liam kaya medyo gumagaan ang pakiramdam ko, kahit papano nababawasan yung sakit na nararamdaman ko. Aaminin ko na sumasaya ako at nagagawa 'kong tumawa kapag nandyan siya.


Pero hindi ibig sabihin noon na handa ko na ulit buksan ang puso ko..


Dahil alam ko naman sa sarili ko kung sino pa rin ang nilalaman nito..


Pagkalabas ko ng gate namin ay napaayos na tayo si Liam na kanina ay nakasandal sa kotse nya habang hinihintay ako.


His lips parted. Teka, nagulat ba siya sa'kin? Napayuko ako, kasi titig na titig siya sa'kin. Pero shems, ang gwapo nya ngayon. Naka-jeans siya at V-Neck na Dark blue T-shirt, naka-brushed up ang hairstyle nya. Mukhang ako yata ang nagulat nang makita siya.

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon