Chapter 51: The Napkin Challenge

333 22 5
                                    

[Aisel's POV]


"L-luhan.. Hindi ako nakabili ng napkin.."


Tinignan ko mabuti yung mata nya at para siyang nag-iisip. Pero nagulat ako nang bigla na lang siyang tumayo at lumabas ng room. Teka, anong gagawin nya? Magpapabili ba siya? Baka uutusan nyang bumili yung staff.


"Dito ka lang.. Wait.."

Hala anong gagawin nya???

"U-uh.. L-luhan!"

Napahinto siya at tumingin sa'kin.

"Bakit?"

"A-anong gagawin mo?" nahihiyang tanong ko.

"Edi bibilhan ka ng napkin." walang anu-anong sagot nya.

I frozed. Natulala ako sa sinabi nya.

"O bakit ganyan itsura mo?" tanong nya sa'kin.

"B-b-bibilhan m-mo t-talaga ako ng n-napkin?" anubayan nauutal na ko!

"Oo."

Nahinto na naman ako. Yung sagot nya napaka-natural, pansin ko sa kanya na willing nga siyang ibili ako ng napkin. Diba pag inutusan mo yung ibang lalaki na bumili ng napkin parang ang sagwa? Pero si Luhan, hindi, bibilhan nya talaga ako!! >__< Ang swerte ko sa boyfriend ko! Okay lang sa kanyang bilhan ako ng napkin!! Wahahah! XD

"Diba magpapabili ka na lang sa staff?" paninigurado ko.

This time, siya naman ang matagal bago sumagot. Ay. Mali ako ng akala. Sa staff na lang siguro siya magpapabili.

"Bakit iuutos ko pa sa staff?" tanong nya. Halos napanganga na ko ng marinig iyon.

"Huy natulala ka na naman. May papabili ka pa ba? Sabihin mo lang para isang akyatan na lang ako." sabi nya.

Hindi na ko makasagot dahil ang isip ko ay nandun lang sa thought na 'Isang Kyle Luhan Perez na mayaman, sikat, gwapo, hearthrob, mabango at dream guy ay nautusan kong bumili ng napkin'?!!

Napa-smile ako. At di ko na namalayan na nakaalis na pala si luhan.

Sinara ko muli yung pinto sa CR at tulala pa rin. Yung boyfriend ko pala mauutusan kong bumili ng napkin.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin dumadating si Luhan. Siguro mga 15 minutes na siyang hindi nakakabalik. Saan ba bumili yun? Sa 7 eleven? XD

Teka nga! Silip nga ako!

Binuksan ko yung pinto at sumilip. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si Luhan. Bakit di man lang nya ko kinakatok? Nakatayo lang siya sa tapat ng pinto ng CR! Pero bakit parang hindi na siya makatingin ng diretso sa'kin?

Ngumiti lang ako dahil di ko masabi yung 'nasan na yung binili mong napkin'?

Nag-clear throat ako at napatingin siya sa'kin. Ang tagal nya kasi bago ibigay yung napkin.

Pero parang wala pa rin siyang balak ibigay yung napkin.


Nag clear throat ulit ako at naglakas-loob ng magsalita.

"L-luhan? N-nasan na yung napkin?"

"A-ah.. W-wait.." Parang nataranta siya na ewan pero di ko na lang pinansin. May kinuha siya sa bulsa nya at inabot yung 2 pads ng napkin.

Nakaiwas ang tingin nya sa'kin habang inaabot yung napkin.

"Luhan? Okay ka lang?" tanong ko.

When Barefoot Cinderella Met Her Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon