Unspoken Poetry #5-Malaya Na

44 2 0
                                    

"MALAYA NA"

Ilang buwan na ang nagdaan,
Patuloy kang kinakalimutan.
Nakaraan ma'y kay sarap balikan,
Subalit kailangan ko nang iwan.

Hindi makausad kung hindi humahakbang,
Tatanggapin ang lahat ay alaala na lang.
Sisikapin tumayo at patuloy na mangangarap,
Tatangapin na hindi ka na kasama pa sa hinaharap.

Salamat sa taon, ako'y naging masaya,
Naranasan man ang pighati pero ito'y kinakaya.
Salamat sa sakit at ako'y may natutunan,
Balang araw hihilum ang sugat na iyong iniwanan.

Sa aking pag-iisa, minsan ma'y naiisip ka,
Hindi maitanggi sa sarili na namimiss din kita.
Subalit isip ko'y pumipigil sa dinaramdam ng puso,
Alam kong sarili ko lang din ang patuloy na nasasaktan dito.

Nais ko man sayong itanong kung "kamusta ka na ba?"
Pinipigilan ang sarili, ayoko nang makaabala pa.
Sapagkat dahilan mo saki'y gusto mo munang mapag-isa,
Ngayo'y haharapin ang bukas ng mag-isa, pareho tayong malaya na.

(October 2016) 

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon