Unspoken Poetry #13-Sayang

24 1 0
                                    

"SAYANG"

Minsan ka na bang nanghinayang,
sa isang desisyon na 'yong binitawan?
Na kung pwede pa sanang maibalik na lang,
para hindi mo ito ngayon naramdaman.

Minsan na siyang nagmakaawa,
para lang manatili ka.
Minsan ka na niyang pinaglaban,
sa pag-ibig niyong laging hinuhusgahan.
Minsan ka na niyang pinagdamot,
sa mga taong nais siya'y iyong malimot.

Pero nasaan ka ba?
Noong ikaw pa ang itinuring na mundo niya,
Noong ikaw lang ang ang tanging pinangarap niya,
Noong mga panahong ikaw ang rason sa likod ng pagngiti niya,
Noong mga panahong ikaw pa ang mahal niya.

At nasaan ka nga ba?
Noong walang tigil ang kanyang pag-iyak,
Noong puso niya'y ikaw lang ang hinahanap,
Noong siya'y lunod na lunod na sa sakit,
ni hindi mo man lang naisipan na siya'y masagip.

At 'yon naman pala, dahil nandoon ka,
Sa kasiyahan na gusto mo pero hindi siya ang kasama,
Sa panandaliang ligaya na nilimot mo siya,
Sa inakalang mong paraiso sa piling ng iba.

Tanong ko lang,naging masaya ka ba talaga?
Dahil kung naging masaya ka, bakit nandito ka?
Bakit muli kang nagpaparamdam sa kanya?
naging kulang ka ba, noong nawala na siya?

Pero patawad, dahil huli na.
Ikaw pala yung tinik sa puso niya na kailangan nang mawala,
Ikaw yung magandang alaala na kailangan nang kalimutan niya,
Ikaw pala yung pangarap na hindi na magkakatotoo,
Ikaw pala yung sugal na okay lang kahit hindi niya naipanalo.

At ngayon sa bawat ngiti niya, ikaw yung nasasaktan,
Sa bawat mga tawa niya, ikaw yung nalulunod sa kasakitan,
Sa bawat halakhak niya, ikaw yung nagdaramdam,
dahil sa likod ng lahat ng 'yon, hindi na ikaw ang dahilan.

Kung kailan hindi mo na makita, saka mo lang hahanapin,
Kung kailan hindi mo na maabot, saka mo ulit susubukang abutin,
Kung kailan nakalimot na siya, saka mo ulit kukulitin,
Kung kailan masaya na siya, saka mo ulit guguluhin.

Patawad pero huli na ang lahat,
Nagtapos na ang pag-iibigan niyong nagkaroon nang lamat,
At sa pagbalik mo'y wala ka nang babalikan,
Saka mo lang din maisipan, "SAYANG, SANA HINDI KITA INIWAN" 

(2018)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon