Unspoken Poetry #19-Dahan-Dahan

26 1 0
                                    

"DAHAN-DAHAN"

Dahan-dahan ko nang bibitawan,
Dahan-dahan ko nang papakawalan,
Di mo na kailangan magsinungaling,
Di na rin kita pipilitin.

Dahan-dahan mong iparamdam,
Na sa akin ay wala ka nang pakialam,
Pagod na akong paulit-ulit masaktan,
Pagod na akong mag-isang lumalaban.

Dahan-dahan mong palitan,
'Wag ka nang magmaang-maangan,
Alam kong hindi ka na masaya,
Itigil na natin to, tama na.

Sarili ko na muna,
Kusa na akong aalis, wag mo na kong pigilan pa.
Sarili ko na muna,
Maghihilom ako na hindi ka kasama.

(2020)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon