Unspoken Poetry #28-Hindi Na

6 0 0
                                    

"HINDI NA"

Isang araw, nagising na lang ako,
Hindi na ikaw ang hinahanap ko,
Hindi na ikaw ang dahilan ng bawat pagngiti ko,
Hindi na ako umiiyak sa parehong dahilan,
Hindi na ako nangulit para di mo lang malimutan.

Isang araw, naunawaan ko na lang,
Kung bakit hindi na ako ang 'yong naging pahinga,
Hindi na ako kasama sayong dasal na sana di mawala,
Hindi na ako ang nasa likod ng pangakong makakasama hanggang sa huli,
Hindi na ako ang pinapangarap na makita pang muli.

Isang araw, naiitindihan ko kung bakit hindi na ako,
Dahil sa hindi na din ikaw ang dahilan ng pagiging buo ko,
At dahil sa sarili ko lang din ang kailangan ko,
Para saking paghilom na hindi manggagaling sayo.

At sa wakas ngayon ay natanggap ko na rin,
Hindi na ikaw, hindi na ako, wala nang 'tayo' na pipilitin.
Dahil sa mas mahal ko na ang sarili ko, pakiusap 'wag mo na kong gambalain,
Maging masaya na lang tayo sa naging desisyon ng isa't isa para satin.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon