Unspoken Poetry #34-Magmahal

5 0 0
                                    

"MAGMAHAL"

Di ko alam kung bakit tayo pinagtagpo ni tadhana,
Kinilala man natin ang isa't isa pero tayo parin ay may pangamba,
Dala nang ating nakaraan na kay pait at gustong kalimutan na,
Tayo ngayon ay takot na ring sumugal at magtiwala pa.

Kaya noong dumating ka, ilang ulit kung tinanong "ikaw na ba talaga?"
Dahil ako'y pagod nang kumilala ng iba pa.
Kung ikaw na nga ba talaga ang nakalaan,
Sana 'yong damdaming nabuo ay kaya din nating panindigan.

Minsan napapatanong na din ako,
"Deserve ko ba talaga ang lahat ng 'to?"
Kasi noong dumating ka parang ang sarap ulit na magmahal,
Parang di na nakakatakot lumaban, di na nakakatakot sumugal.

'Yong pagmamahal na wala ka nang dapat hilingin,
Pagmamahal na hindi namimilit na dapat ikaw ang piliin,
Pagmamahal na nagiging panatag at nakukuntento,
Pagmamahal na umuunawa at nirerespeto.

Hindi pala talaga mahirap ang magmahal,
Hindi naman talaga masakit ang magmahal,
Nagkamali lang talaga tayo nang minahal.

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon