Unspoken Poetry #15-'Di Ka Na Nagbago

25 1 0
                                    

"DI KA NA NAGBAGO"

Isa, dalawa, tatlo...
Ilang pagkakataon pa ba ang hihingin mo?
Ilang "patawad" pa ba ang maririnig ko?
Ilang "di na mauulit" pa ba ang aasahan ko?

Apat, lima, anim...
Ilang buwan ba talaga ang kailangan mo?
Kung hindi ka na masaya, edi iwan mo na ako.
Hindi yung paulit-ulit ka sa maling ginagawa mo,
Hinihintay mo na lang yata na ako yung sumuko?

Pero tao lang ako at napapagod din.
Ang gusto ko lang naman ay magmahal at mahalin.
Pero bakit sa una ka lang laging magaling?
Kapag nagtagal, di mo ba alam na ako'y nasasaktan mo na rin? 

(2020)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon