Unspoken Poetry #10-Maghihintay Ako

26 0 0
                                    

"MAGHIHINTAY AKO"

Mahal, ilang taon pa ba?
O di kaya, ilang buwan o ilang araw na lang ba?
Minsan gusto kong bilangin kung gaano pa ba katagal ang aking hihintayin,
Pero minsan naiisip ko rin mas mabuti na siguro 'to, masusurpresa na lang din ako sayong pagdating.

Mahal, mahigit anim na taon na pala,
Pero naalaala ko parin yung una nating pagkikita,
At yung mga masasayang alaala natin noong muli tayong nagkasama,
Pati na rin ang mga pagsubok na nalampasan nating dalawa.

Mahal, alam kong alam mong miss na miss na kita,
Alam ko din na ganon din ang yong nadarama,
Pero heto, nagtitiis parin tayo,
Hintay lang, tayo'y muli paring magtatagpo.

Diba sabi mo pa nga "maghintay ka lang dyan mahal ko",
Kaya heto, paninindigan ko.
Hindi ko alam kung sa pagkawala mo kung may bago man na ganap sayo,
Basta mahal, nandito lang ako, maghihintay parin sayo.

Patutunayan kong kaya ko,
Anim na taon, sasayangin pa ba natin to?
Susuportahan kita sa mga pangarap mo,
Hindi ako mawawala kahit wala pa ako sa tabi mo.

Titiisin kong maging malayo lagi sayo,
Titiisin ko lahat basta nandyan ka lang mahal ko,
Sabay nating tuparin ang lahat na pangarap na ating binuo,
Hawak kamay tayong haharap sa pagsubok na dala nito.

Mahal, tiwala lang nandito lang ako lagi para sayo,
Ilang buwan o taon man ang hihintayin ko,
Kay tagal na din mahal, wala paring nagbabago,
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin at mamahalin ko.

(June 2018)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon