Unspoken Poetry #8-Hanggang Dito Na Lang

30 1 0
                                    

"HANGGANG DITO NA LANG"

Gusto kong bumalik doon sa lugar kung saan tayo nagsimula,
Baka sakaling bumalik yung dating ikaw, yung dating tayo na masaya,
At baka mapag-isip mo din, na baka pwede pa,
O baka naman hanggang dito na lang tayo talaga,

Mula sa mahigpit na pagkapit hanggang sa tuluyang pagbitaw,
Mula sa sapat na pagmamahal hanggang sa ramdam na pagkasakal,
Mula sa pangarap na binuo hanggang sa dahan dahang pagkawala mo,
Mula sa pagiging kuntento hanggang sa naging kulang ako para sayo.

Hanggang sa ako'y tuluyan mong binalewala,
At umabot din sa punto na wala na nga akong halaga.
At kay bilis na lang din para sayo na iwan ako,
Mula sa mga salitang "Mahal Kita" hanggang sa huli mong nasambit,

 "Paalam, hanggang dito na lang tayo". 

(2017)

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon