Unspoken Poetry #24-Patawad

10 0 0
                                    

"PATAWAD"

Patawad sa mga panahon na nanatili parin ako
Kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan palayo,
Patawad kung nagbulag-bulagan man ako,
Nakinig parin sa mga kasinungalingan kahit alam ko pa ang totoo.

Patawad mahal kung naging makasarili ako,
Sariling kasiyahan ko lamang ang iniisip ko.
Hindi ko namalayan na unti-unting hindi na pala ako,
Paulit-ulit kang pinaglalaban kahit ikaw na ay nagbago.

Patawad mahal kung naging mahina man ako,
Hindi ko kayang ipaglaban ka sa taong malapit sayo,
Hindi ko man lang nagawang ipagdamot ka nang hindi ka lumayo,
Patawad kung hinayaan kong bumitaw ka sa pagkapit ko.

Patawad mahal sa mga pagkukulang ko sayo,
Hindi ko man napunan, alam kong napunan niya na ng husto,
Mahirap na nandyan ka at nandito naman ako,
Pilit man natin ayusin, nagiging bigo parin naman tayo.

Patawad mahal kung hinayaan ko na lang,
Patawad kung tumigil na ako sa pagsugal,
Patawad kung naging malayo man sayo,
Patawad kung naniwala ako noong sinabi mo na "distansya lang yan, makakaya natin 'to".

Patawad kung nagtiwala ako na makakaya nga natin ito,
Patawad kung inakala ko na aabot tayo hanggang dulo.
Patawad kung sa mahabang paglakbay hanggang dito na lang ako,
Patawad kung tinanggap ko na lang na nagtapos na ang binuo nating "ikaw at ako".

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon